Araw-araw, 300-500 tons ng basura nililibing natin sa Zambales. Sa Subic Bay, Olongapo, Castillejos - umaagos sa dagat pag tag-ulan. Pati bundok ng basura, amoy, daga, polusyon. Tourist spot tayo pero basura na hinaharap ng mga bisita.
Ang Solusyon: WASTE-TO-ENERGY INCINERATOR
Paano Set Up sa Subic, 3 Steps lang:
1. Location: Ilagay sa Subic Bay Freeport industrial zone. Malayo sa bahay, malapit sa kuryente grid. 5 hectares lang kailangan - mas maliit pa sa 1 barangay landfill.
2. Technology: European standard WtE plant. 850°C-1200°C sunog + 5-stage filter/“scrubber”. Mas malinis pa usok kesa sa tambutso ng SUV. EU emission standard ang susundin.
3. System: Segregation sa barangay → Truck papunta WtE → Sunog → Steam → Turbine → Kuryente. Yung tira na abo = gawing hollow blocks. Zero waste.
Ang Impact
1. MALINIS NA SUBIC: 90% bawas sa basura. Wala nang bundok ng basura sa bundok ng Zambales. Wala nang plastic sa Subic Bay. Malinis na dagat = mas maraming turista = mas income ng tricycle, hotel, tindahan.
2. KURYENTE PARA SA TAO: 400 tons basura/day = 15 MW kuryente. Kaya paandarin ang 30,000 bahay sa Subic. Garbage to Watts". Pag brownout, basura natin ang ilaw.
3. PERA SA LGU: Tipping fee + benta ng kuryente sa NGCP = ₱200M-₱300M/year income ng Subic/Olongapo. Hindi na manghihingi ng budget sa Manila para lang sa basura.
4. TRABAHO PARA SA ANAK NATIN: 400 direct jobs + 1,000 indirect jobs. Engineer, technician, driver, operator. Hindi na OFW ang mga anak natin kung meron tayo dito.
5. ENVIRONMENT PANALO: Bawat 1 ton basura na sinusunog = 1 ton CO2 na naiiwas sa methane ng landfill. Dagat natin, bundok natin, hangin natin - maliligtas
6. Ang mga karatig bayan ag puede nating hingin at kunin or dalhin nila ang basura sa ating iseset up na incirenator dito sa Subic like Castillejos at Olongapo that can add more energy for Subic.
Basura is not waste. Basura is fuel. Basura is power. Basura is the future of Subic.*
Hindi na natin kailangan pumili: "kalikasan o development". Sa WtE, pareho. Malinis na dagat + ilaw sa bahay + pera sa bayan.
Dapat ito po ang iniisip NG ating mga namumuno dito sa Subic. Sana po ito ay maidagdag ninyo sa I Yong programa at dapat din na meron kayong vision for Subic in 5 years, 10 year 15 year that will
Be the road map of Subic towards progress.
Teddy Israel
No comments:
Post a Comment