ANO NGA BA ANG PAGKAKAIBA NG GRAVE THREAT SA CONDITIONAL THREAT? π€
Pag usapan po natin ito, mga Ka-G ko, dahil marami na po ang nagtatanong saakin tungkol sa isyung ito. π€
Mayroon po tayong dalawang uri ng Grave Threat o matinding pananakot, na nakasaad sa Article 282 ng ating Revised Penal Code: π€
1. Unconditional Grave Threat - kapag nanakot kayo na gagawa kayo ng isang krimen laban sa isang tao, sa reputasyon o ari arian nito. π€
Halimbawa po, kung sinabihan ninyo ang kaaway ninyo na papatayin ninyo ito. π€
2. Grave Threat with a Condition - kapag nanakot kayo na gagawa kayo ng isang krimen laban sa isang tao, sa reputasyon o ari arian nito; π€
Kapag hindi nito ginawa ang pinapagawa ninyo dito. π€
Halimbawa po, kung sinabihan ninyo ang kaaway ninyo na papatayin ninyo ito, kung hindi parin ito magbabayad ng utang sayo. π€
Kung pag aaralan po ninyo ang batas na ito mismo, mapapansin ninyo; π€
Na wala sa batas na ito ang eksaktong ginawa ng Pangalawang Pangulo sa naging viral na video nito. π€
Dahil isang Conditional Grave Threat po ang ginawa nito, at magkaiba po ito sa Grave Threat with a Condition na nakasaad sa batas mismo. π€
Ang Conditional Grave Threat po kasi ay natural na ayaw mong gawin ng kalaban mo ang kundisyon na nakapatong sa pananakot mo. π€
Samantalang ang Grave Threat with a Condition ay natural na gusto mong gawin ng kalaban mo ang kundisyon mo na nakapatong sa pananakot mo. π€
Sa madaling salita po, magkaiba ang pahayag na;
"Papatayin ko na kayo kung hindi mo parin babayaran ang utang mo;" π€
Sa pahayag na "Sige, pag pinatay mo ako, papatayin karin ng mga tauhan ko." π€
Ang problema po sa argumentong ito, ay wala pa pong sitwasyong ganito na umabot sa Korte Suprema upang desisyunan na ng pinal ito. π€
1. Kaya ito po ang dahilan kung bakit ang nagiging argumento lagi ng prosecution dito; π€
Ay maituturing na Grave Threats with a Condition parin ang ginawa ng Pangalawang Pangulo; π€
Dahil pare-pareho lang dapat ang trato ng batas sa lahat ng mga kundisyon, gusto mo man o ayaw mong gawin ito ng tinatakot mo. π€
2. Kaya ang malamang na magiging depensa po ng mga abugado ng Pangalawang Pangulo; π€
Ay gagamitin nila ang doktrina ng Korte Suprema sa Israel vs. People na kaso; π€
Kung saan maliwanag na sinabi ng Kataastaasang Hukuman, na hindi lahat ng pananakot ay maituturing mong Grave Threat kaagad ito. π€
Dahil ang Grave Threat, para maging isang krimen, ay dapat may makikitang criminal intent sa parte ng nananakot mismo; π€
At hindi lang ito dala ng emotional outburst, o bugso ng damdamin, dahil sa matinding sama ng loob o galit na nararamadaman nito. π€
Kaya ito po ang dahilan kung bakit pinipilit ng prosecution na may kinontact talagang mamamatay tao ang Pangalawang Pangulo; π€
Upang ipakita sa impeachment trial na hindi na ito bugso ng damdamin, kundi may criminal intent na talaga ang Pangalawang Pangulo. π€
At ito naman po ang dahilan kung bakit laging sinasabi ng depensa, na ang nagsasalita sa video ay hindi lang isang Pangalawang Pangulo; π€
Kundi isa ring anak, ina, asawa, at kapatid, na galit na galit dahil ang pakiramdam nito ay trinaydor ng isang inaakalang kakampi at kaalyado. π€
Ayan, sana po ay maliwanag na ito sainyo, anuman po ang kulay ng pulitika ninyo. π«‘
#attyg
#attygbehindthenews
#impeachmenttrial
#saraduterte
#gravethreat
#photocredittotheowner
No comments:
Post a Comment