Thursday, July 30, 2026

Huwag magtiwala sa laway lang.

The "Squatter / Tenant" Status: Complicated 

Pinatira mo dahil sa "awa," pero nung kailangan mo na ang lupa mo, ayaw nang umalis at humihingi pa ng pambayad? 

Nangyayari ito sa napakaraming pamilya sa Pilipinas: 

"Kasi pinsan ko naman," "Kasi pinabantayan ko lang 'yung lupa habang nasa abroad ako." 

Pero pagdating ng araw na gusto mo nang gamitin o ibenta ang property mo, biglang sasabihin ng nakatira, “Hindi kami aalis dito kung hindi mo kami babayaran ng pang-relocate!” 🤯

Para hindi ka ma-hostage sa sarili mong lupa, alamin ang tamang legal step dito:

* The Truth About Ejectment: Hindi mo pwedeng basta baklasin ang bubong nila, putulan ng kuryente, o takutin sila. Sa ilalim ng batas, bawal ang "force" o "coercion." 

Kung gagawin mo 'yan, ikaw pa ang pwedeng makasuhan! 

* Ang Tamang Proseso:

    1. Magpadala ng pormal na Demand Letter to Vacate na gawa ng abogado. Bigyan sila ng sapat na araw (halimbawa, 15 to 30 days) para umalis.

    2. Kung dedma pa rin, i-akyat ang reklamo sa Barangay para makakuha ng Certificate to File Action.

    3. Magsampa ng kasong Unlawful Detainer o Forcible Entry sa Municipal Trial Court sa loob ng isang taon mula nung huling demand letter.

* Paano naman kung Agricultural Tenant (Magsasaka)? Ibang usapan 'to! Sila ay protektado ng DAR. 

Hindi mo sila pwedeng basta paalisin kahit sa iyo ang lupa, maliban na lang kung may sapat na "disturbance compensation" o dumaan sa tamang proseso ng DAR.

Tip: Kung magpapatira ka ng kamag-anak o kakilala para mag-bantay ng lupa mo, gumawa kayo agad ng written agreement o contract na nakasaad na "temporary" lang ito at aalis sila kapag kailangan na ang lupa. 

Huwag magtiwala sa laway lang, kahit gaano pa kayo ka-close! 👀

If this helped you understand real estate better, follow for more real estate education. 🏡✨

#UsapangLupa
 #UnlawfulDetainer
 #LandlordProblems
 #AdultingPH 
#RealEstatePH
 #PropertyTips



No comments: