Wednesday, July 29, 2026

Personal.

Personal sharing ni Doc Willie:

Ako ay may sarcoma stage 4
Si Doc Liza ay may breast cancer.
Imbes na malungkot, ginamit namin ang sakit namin para mag-educate sa ating kababayan.

Health tips:
1. Huwag magtago sa doctor pag may nararamdaman tulad ng pain o bukol.
2. Mas maaga malaman ang sakit mo, mas malaki tsansa magamot, mas mura ang gamutan at mas mahaba ang buhay mo.
3. Aralin ang sakit at sundin ang tips namin.

Ano nagpapalakas ng loob ko?
1. May 20 taon na kaming libre gumamot sa pasyente. Lahat ng makita naming pasyente ay libre na.
2. May 10 taon na libreng gamutan sa medical mission ng Abs Cbn Salamat Dok.
3. Ang pagmamahal ng followers ko ay nakakaantig ng puso ko.

Kung maikli na lang ang buhay ko ay masaya pa rin ako. Dahil alam kong nagawa ko ang misyon ko para sa Diyos at para sa inyo.

Nagmamahal,
Doc Willie Ong

No comments: