Friday, July 31, 2026

E driver license

 May talino tayong mga motorista, gamitin natin ito para hindi tayo ma-abuso!


Dahil may ilang Lokal na Pamahalaan na patuloy pa ring nangungumpiska ng Driver’s License, iminumungkahi sa mga motorista na “huwag ipresenta sa Pulis o Enforcer ang ating lisensya.”


Kung e-Driver's License naman ang ating gagamitin at ipi-presenta sa Pulis o Enforcer na nagpapatupad ng Batas Trapiko at Ordinansa, kailangan natin ang mga sumusunod:


1. May internet connection tayo (mobile data o Wi-Fi);


2. May signal sa lugar kung saan tayo pinara o nahuli; at


3. Marunong tayong mag-log-in sa ating LTMS Portal upang maipakita ang ating e-Driver's License.


Ang ating mungkahi ay base sa inilabas na Memorandum ng LTO na siyang pangunahing ahensya ng ating Pamahalaan sa pagpapatupad ng Batas para sa mga motorista at sa ating mga sasakyan.


Sumunod tayo sa Batas at huwag tayong magpa-abuso sa nagpapatupad ng Batas!


Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.

Chairman

Real Service Advocates of the Philippines




No comments: