Sunday, July 26, 2026

Doctor life.

Para sa isang duktor, luxury na ang makatulog ng mahimbing. These past few days had been really exhausting.๐Ÿ˜ฉ Ang haba ng pila ng OPD clinic ko inaabot ako 2-3pm matapos kahit maaga ako nagsisimula. Kahit kasi gaano kahaba pila, ayokong magmadali sa pagtingin ng pasyente lalo na pag new patients. Ang lunch ko 3pm onwards na. Di ko rin ginagawang magsnack in between kasi kakain din yun ng oras. After ng clinic rounds pa ng in-patients then madami pang errands para sa pamilya. Tapos kung may mahirap kang kaso, isisingit mo pa aralin. Yes never ending na aral ang maging duktor. Grabe din puyat sa problematic patients yung mga blood sugar monitoring ng diabetic in patients ko may hourly, every 2 hours, every 4 hours kaya wala ako matinong tulog. Nung mas bata pa ako, kinakaya ko puyat. Pero sa paglipas ng panahon ramdam ko talaga na "tanders" na ako๐Ÿ˜‚. Itong ilang araw medyo nalelate na ko ng dating sa OPD. Tinatalo na ako ng pagod at puyat. Sana makatawid na yung mga critically ill patients ko. Sabi nung isang co-doctor ko, yan mam yung magandang pagod kasi pera yan. Pero pag more than 10 days ka nang walang tulog, pakiramdam ko humihiwalay na talaga kaluluwa ko sa katawang lupa ko๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚. Di na ko interesado kumita ng pera. Mas gusto ko na lang magpahinga. Kung pwede lang humingi ng time out sa pagiging duktor๐Ÿ˜‚. Yung mga pasyente ramdam na din siguro pagod ko nacoconcern na sila sa akin. Ang sinasabi ko sa kanila, isama nyo na lang ako sa dasal nyo๐Ÿ˜ƒ

#doctorlife 
#pagodmuch



No comments: