Galing kami sa Chinese General Hospital dahil sumailalim sa colonoscopy ang tatay ko. Dahil sa procedure, buong araw siyang nagsusuka at nagtatae, kaya naka-diaper siya. May referral na kami para ma-admit siya, ngunit dahil wala nang bakanteng ward sa Chinese General, nagpasya kaming subukan sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center. Pagdating namin doon, hindi rin siya na-admit dahil puno na rin, kaya napilitan kaming umuwi.
Dahil low battery na ang cellphone ko at wala akong indrive app, ang pamangkin ko ang nag-book ng biyahe.
Habang nasa biyahe, hindi na talaga naiwasan na may tumagas pa ring dumi sa upuan kahit nilagyan namin ito ng karton at panapin. Alam kong malaking abala iyon sa driver, at humihingi ako ng taos-pusong paumanhin.
Pagdating sa amin, sinabi lang ng driver na may tumagas pa rin sa upuan. Dahil inaalalayan ko ang tatay ko at ang isa ko pang senior na kasama, agad ko silang inihatid papasok ng bahay. Hindi ko alam na tumatawag na pala ang driver at naghihintay siya sa labas para singilin ako sa cleaning fee.
Ang pamangkin ko ang nagsabi sa akin na naghihintay pa rin ang driver at galit na raw ito. Agad akong lumabas. Malayo pa lang ako, ramdam ko na ang galit niya. Paglapit ko, pinagsisigawan na niya ako.
Paulit-ulit akong humingi ng paumanhin at ipinaliwanag na hindi ako ang nag-book kaya hindi ko alam na tumatawag siya. Sinabi ko ring naiintindihan kong may naging abala sa kanya, pero sana nakita rin niya ang sitwasyon namin—dalawang senior ang inaalalayan ko, at halos hindi na makalakad ang tatay ko dahil sa panghihina matapos ang procedure.
Nagtanong ako nang maayos kung magkano ang dapat kong bayaran.
Ang sagot niya, "Dalawang libo. Kaya mo ba?"
Dahil ₱1,500 na lang ang natitira kong pera matapos ang lahat ng gastusin sa ospital at mga gamot, sinabi ko, "Kuya, ₱1,500 na lang po ang kaya ko."
Handa akong magbayad. Hindi ko tinakbuhan ang responsibilidad. Ang pakiusap ko lang sana ay maayos kaming nag-usap. Hindi ko sana naranasang mapahiya at mapagsigawan sa gitna ng kalsada habang pagod na pagod at nanghihina ako.
Nakiusap pa ako kung puwede na lang i-GCash ko ang kulang na ₱500, pero galit pa rin siya at sinabi, "I-send mo 'yan ngayon! Hindi ako aalis. Aantayin ko." GUSTO MO IKAW MAGDALA NYAN PARA IPALINIS!
Masakit isipin na nakita Naman ng driver ung sitwasyon ng tatay ko kanina .gusto nya uunahin ko agad sya ..Sinabi ko Naman na inayos ko pa Yung pasyente sa higaan .Hindi ko Naman tatakbuhan ung abirya .
Gayunpaman, ibinigay ko ang bayad dahil alam kong may naging abala rin sa kanya.
Sa huli, lagi kong pinanghahawakan ang isang bagay:
Ang pera, kikitain ko ulit. Pero ang kabutihan at pag-unawa sa kapwa, iyon ang mas mahalaga.
Always choose to be kind. Hindi natin alam ang laban na kinakaharap ng bawat isa.
Plate number : DBQ4668
Silver Toyota Vios
No comments:
Post a Comment