Saturday, July 04, 2026

Trade well.

 Most are not prepared to handle the rough times pagdating sa trading.

You can have the best tool and strategy sa mundo pero hindi din magmamatter yun kung sa 10 series of losses lang ay frustrated ka na at gigive up ka na.

July 2026 ngayon. There were thousands of traders last July 2025 na nagtry pumasok sa trading na ngayon ay sinusumpa na ang trading. Naubos ang pera nila. Out na sila sa game.

Yung "hindi mo kailangan magpamentor kasi nasa internet naman lahat ng information about trading and for free pa" na statement only talks about knowledge and information. Hindi napag-uusapan yung helping hand na meron ang isang mentorship sa mga rough times sa trading.

Yes, you can learn RSI for free. Sa 30 oversold siya. Sa 70 naman ay overbought. Hindi naman knowledge about RSI ang magiging struggle mo sa trading. 

Walang trader na nagfail dahil di nya alam na oversold ang RSI30 at overbought ang RSI70.

Ang magiging struggle mo ay yung frustrations mo sa mga oversold entries mo na lalo pang bumabagsak. Yung magiging struggle mo ay kung maghohold ka ba at overbought para maride ang winners mo or exit ka na.

Madaling intindihin yung "cut your losers quick" na idea. 

Ang simple eh. 

Talo ka ng 5%? Cut mo na para di na lumaki pa ang talo mo. 

Hindi mo ikakastruggle yung understanding sa idea of cutting your losses quick. Ang magiging struggle mo ay how will you handle cutting your losses quick kapag ang previous 20 trades mo ay puro cutloss.

Would you change strategy? Would you still cut your losses? Would you hold? Would you take a break frok trading muna? Would you question yourself if para ba sayo ang trading? Would you close your port at balikan mo na lang next year?

Maraming struggles sa trading na outside sa mere knowledge at information lang. Hindi battle ng information ang trading.

Most of the time nga ay hindi sya battle of anything. Most of the time ay survival na lang siya. 

Those na kayang magtiis, magstruggle, mafrustrate at madisappoint much longer than others ang siyang magsusucceed.

Those na kayang magkeep going sa point kung saan most nagquit na ang siyang magsusucceed.

Battle against quitting ang palagi mong magiging laban pag nasa trading ka na.

Kung nababasa mo ito. I hope you win that battle every time.

Trade well🥰

No comments: