Monday, March 23, 2020

Bangon Bacoor

Dalawang kilong bigas, isang lata ng sardinas at isang pakete ng lucky me para sa isang pamilya na wala nang makain dahil sa krisis na ating kinakaharap. Ang sakit sakit sa damdamin.

In times of crisis, we pray hardest for our government to succeed and for our leaders to make wise and timely decisions. But this does not mean that we simply let their inefficiencies pass without saying a word. Ang pinamigay na tulong ng ating LGU ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Maraming nagsasabi na tayo’y magpasalamat nalang at may natanggap pa kaysa magreklamo. Pero ang ganitong pag-iisip ang dahilan kung bakit hindi umaasenso ang ating lipunan. Bakit hindi natin itanong kung magkano ang pondo ng ating syudad? Bakit hindi natin itanong kung bakit ganyan lamang ang naibigay na tulong ng isang first class city na mayroong napakaraming sources of revenue?

I hope the City Government of Bacoor takes this criticism constructively. Lahat tayo ay nagdarasal na makabangon mula sa krisis na ito. Ang mga ganitong pag-puna ay magiging tulay upang mas maging handa tayo sa mga susunod na problemang kakaharapin. Higit sa lahat, ang mga pagpunang ito ay para sa mga kababayan natin na wala nang makain dahil sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan.

Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives (Art. 11 Sec. 1, Phil Constitution). We hope that you will always give us a reason for our trust. We pray for the best and we know we will rise again.

#BangonBacoor
#BangonPilipinas

No comments: