Tuesday, March 24, 2020

Reflection

HABANG NASA BAHAY: napagtanto ko lang (REFLECTION)
Minsan ko ng naitanong, bakit nagkakaganito ang MUNDO?

Unti unti ko ng nakukuha ang sagot.

May lumabas na article na every 100 years may PLAGUE na dumadating sa mundo noong 1720,1820,1920 at ngayon 2020...

Ibig sabihin, binibigyan tayo ng Diyos ng mahabang panahon, tuwing 100 years para maremind na mahalin natin ang MUNDO at kung ANO/SINO ang nakatira dito.

Pero anong ginawa ng mga TAO? Kasama na ako, kami doon.

Akala ng tao na atin lang ang MUNDO
Nakalimutan natin na may mga kasama pa pala tayo dito na nakatira sa GUBAT, sa ILOG, sa DAGAT, sa LUPA pero kung lapastangin natin ay INAM.

Kapag may pinuputol na PUNO, lungkot na lungkot ako
Kapag nakikita ko ang Pasig River na sobrang dumi, di ko maiwasan ipagmalaki ang ILOG dito,
Kapag napapagawi ako sa Manila Bay, sabi ko, walangwala ito sa TABING DAGAT namin.

GOD's  REMINDERS:

1. Malalakas na BAGYO na dati di natin nararanasan
2. BAHA na bubong na ng bahay ang nakikita
3. TSUNAMI na kumitil na ng maraming buhay
4. LINDOL na nagpapabagsak ng mga buildings
5. Pagtunaw ng GLACIERS dahil sa init ng mundo
6. Pagsabog ng BULKAN sa ibat ibang bansa
7. PAGLAMIG sa mga bansang dating mainit
8.PAGBAHA sa mga bansang dating di nakakaranas nito
9. MATINDING WINTER sa mga bansang may snow...
10. FOREST FIRES

MERON pa siguro, di ko lang maalala...

Pero ANO lang naging reaction ng mga tao?
GLOBAL WARMING lang yan o di kaya ay Ganyan talaga, kasama sa PAG- UNLAD yan...

Sasabihin ko sana na SIGURO,  pinapaalalahanan tayo ng DIYOS, pero HINDI na ito SIGURO, SIGURADO na ako na MESSAGE ito ni GOD... sa mga TAO... oooops, teka muna... SLOW DOWN muna kayo..

Sa paanong paraan mag SLOW DOWN.. hindi tayo nadala dun sa 10 na reminders na nasa taas.

1. Back to BASIC muna tayo.. FOOD, SHELTER & CLOTHING tulad lang ng dati.
2. STAY AT HOME.. muna tayo...
 a) bonding with the family
 b) no work deadlines
 c) no bills, no travels and tours, no overtime, no gambling, no to tsismisan, no Road works, no cutting of trees, no build build build na sumira na ng KALIKASAN...

MARAMI pang NO... ang dapat isipin ng tao sa mundo

Di pa rin nadadala... Ayun ang maraming PERA, Panic Buying  naman, di na inisip kung may mabibili pa yung iba, kung may makakain pa yung iba...

Ang SITWASYON natin ngayon ay naka depende SA BAWAT ISA sa atin, HINDI tayo magugutom, magtiwala lang tayo sa DIYOS, kaya lang tayo magugutom, may mga taong. SAKIM pa rin sa gitna ng KALAMIDAD na ito, bumibili ng sobra sa pangangailangan, nagtatago ng mga paninda sa pag aakalang tutubo ng malaki kapag ibinenta uli..

Kung yung natitira nating resources ay paghahati hatian lang ng lahat ng tao sa Mundo, busog lahat tayo... Ang mga PONDO ng mga LOKAL NA PAMAHALAAN, yung iba takot pang ilabas para sa PAGKAIN ng mga tao, "Aanhin pa ang DAMO, kung PATAY na ang KABAYO". SAAN pa gagamitin yan? Sa susunod na ELEKSYON?  kung aabutin pa tayong lahat. Please... Day 6 na na ba tayo na lock down, walang barko, ngayon walang sasakyan?

Isipin natin ang mga namatay at tinamaan ng sakit na COVID...

1. Artista
2. Basketball Player
3.Doctor
4. Pulis
5.Matatanda at ordinaryong tao

So... walang pinipili... Lahat pwede... Naliligo man o hindi naliligo... May alcohol man o wala

KAYA, HABANG NASA BAHAY, TAYO PO AY MAG MUNI MUNI at MAGDASAL.

LORD GOD, nakuha na po namin ang MESSAGE NYO
Patawarin Nyo na po kami sa mga nagawa naming mali
Tulungan nyo po kaming lahat
Matapos na po sana ang lahat ng ito. AMEN

MAGTULUNGAN PO TAYO!!!

No comments: