Saturday, March 28, 2020

Bawal magreklamo

PARA SA MGA PILIPINONG MGA WALANG GINAWA KUNDI PURO REKLAMO SA GOBYERNO!

Mga Dapat Tandaan habang LOCKDOWN:

1. YOU ARE WHAT YOU EAT.. Puro sardinas na nga ang ulam natin huwag mong hayaang maging sardinas ka na rin. Isdang wlang ulo, at latang maingay. Puro ka reklamo.
2. Hindi ka ba nainform na mahirap ang bansa natin? Huwag mong hanapin ang tulong na kayang ibigay ng mayayamang bansa sa mamamayan nila. Poor tayo besh. Wag feeling rich kid. May krisis tayo ngayon.
3. Kung may tanim ka sanang gulay kahit sa lata lang o kya nag-alaga ka ng hayop kahit paano may pagkain ka ngaun. Dpat tik-tilaok. Hindi TIKTOK.
4. Huwag kang mayamot sa rasyong bigas kung dati mo nang problema ang pambili ng bigas. Hindi rin kasalanan ng gobyerno kung madami kang anak. Lockdown ngaun, baka dagdagan mo pa. Konting tiis at konting tikis.
5. Dati na tayong mahirap. Hindi kasalanan ng mayayaman kung gutom tayo ngaun at sila may pambili. Huwag mo silang kainisan. Baka dati rin silang mahirap, pero nagsikap. Konting push pa.
6. Malungkot ang pagkamatay mo kung ngaun ka mamamatay. Walang tong-its, walang majong, wala kang magiging bisita, so walang pa kape at pa sopas. Wala ring videoke sa last night mo na nagtatanong ng "are you having fun?". Hindi kana kasi ibuburol, libing or cremate agad. Sad db? So wag matigas ang ulo, wag na lumabas. STAY AT HOME..
7. Huwag mainit ang ulo. Nasa bahay ka na nga lang di ka nmn FRINTLINER kadami mo pang reklamo. Puro mababahong salita pa lumalabas sayo. PANTILINER ka ba?
8. Hindi ka kasamang nagtanim o umani kung marami mang bigas ang mayor mo. Hintayin mong kusang magbigay sayo. Kung meron mag "thank u" ka naman. Problema sayo nabigyan kna may nsbi kpa. Unahin mo muna kasi ang pagkain bago ang load mo kumare maghapon ka pang nka FB..
9. Bago maglockdown mataba ka na tlga. Huwag mong gawing excuse ang lockdown, dati ka nang matakaw.
10. Kaya natin ito. Natin, hindi ng gobyerno lang. Natin, hindi ni kapitan at mayor lang. Natin, hindi ng pangulo lang. Tayong lahat ang makikinabang kung paiiralin mo ngayon ang pagiging TAMBAY SA BAHAY. Un lang ang share mo ngaun sa bansa mo. Ingats!

No comments: