SA KAKULANGAN NG MEDICAL SUPPLIES AT SA MGA NAMAMATAY NA DOKTOR
Nabalitaan kong sumakabilang-buhay ang isa pang doktor kani-kanina lang. Ikalima na siya sa listahan [1], matapos nina Dr. Greg Macasaet, Dr. Israel Bactol, Dr. Rose Pulido, at Dr. Raul Jara.
Ganitong kaaga pa lang sa laban sa COVID-19, ang dami na sa iilang mga doktor sa Pilipinas ang namatay o kung hindi man ay nahawahan na novel coronavirus at nakikipaglaban ngayon para sa sarili nilang buhay.
Kanina, may nakausap akong isang doktor na nasa frontlines rin at sabi niya sa akin:
"PPE. 'Yan ang kailangan talaga, kasi para kaming nakipag-gyera ng barilan pero wala kaming baril. Wala pa nga kaming vest, as in hubad. So suicide squad ang ganap namin dito."
PPE, o personal protective equipment. Surgical gloves, aprons, gowns, face shields, masks, goggles, boots. Kulang na kulang diyan ang mga ospital natin ngayon, maging pampubliko man o pribado.
Unang pumutok ang COVID-19 noong 29 December 2019 at kumalat ito sa buong China noong katapusan ng Enero. Alam yan ng lahat dahil ibinalita agad yan halos oras-oras.
Sa lapit natin sa China at sa dami ng ating mga OFWs, talagang oras na lang ang hinihintay noon, bago dumating ang COVID-19 sa bansa.
At heto na nga siya. Daan-daan na ang kumpirmadong kaso, ilang puo na ang namatay. Nakakulong tayo ng ilang linggo na. Ilang doktor at iba pang medical frontliner ang namatay. At ang bilang nila ay dumarami kada araw.
Talagang inaasahan kong may mga frontliner na mamamatay sa labang ito, pero parang may mali sa mga number na nakita ko.
Ipapaliwanag ko.
Sa Pilipinas, limang doktor na ang namatay. Sa Italy, 23 na [2].
Sa Pilipinas, 552 na ang kumpirmadong COVID-19 cases. Sa Italy, 63,927 na.
Kung baga, may isang doktor sa Italy ang namamatay sa kada 2,779 na COVID-19 patient, pero dito sa Pilipinas, may isang doktor na namamatay kada 110 lang.
Kumbaga, nalalagasan tayo ng mga doktor at a rate na 25 times na mas madalas kaysa Italy, suggesting na marami sa mga kamatayang ito ay highly preventable.
Kng sapat lang sana ang PPE, pero hindi. Kung sapat lang sana ang testing, pero hindi. Kung sapat lang ang komunikasyon ng DOH sa mga ospital, pero hindi.
May maling-mali rito. Problemang malaki ito.
Sa isang bansa na may isang doktor lamang sa kada 33,000 katao [3], kumpara sa Italya na may 1:243 [4], mas malaking kawalan sa Pilipinas ang pagkamatay ng isang doktor kumpara sa Italya.
Enero pa lang ay putok na putok na ang COVID-19 sa buong China [5]. Hindi pa nga masasabing malalang-malala ang COVID-19 situation sa Pilipinas dahil nasa 500 pa lang ang kompirmado, di ba?
Pero bakit kulang na kulang tayo sa kagamitan nang ganitong kaaga? Inaasahan kong magkukulang tayo, pero bakit ganitong kaaga? Siguro, kung late April ito or May, baka maniwala pa ako kasi mid-April inaasahang bumulusok ang dami ng kaso, pero bakit gitna pa lang ng Marso, kulang na kulang na?
May halos dalawang buwan tayong headstart. Enero pa lang, alam na natin. Pero bakit ngayon pa lang e wala nang PPE?
Yung mga kamag-anak kong medical workers sa mga public hospital, sinabihan ako kanina lang na takot na takot sila dahil hindi sila binibigyan ng PPE ospital. Inuuna raw kasi yung mga doktor at security guards kaysa sa kanilang nasa ibang department, kahit pare-pareho lang silang nakakahalubilo ng mga may sakit.
Ang knee-jerk reaction ng karamihan sa atin e sisihin ang gobyerno, lalong lalo na si Health Secretary Francisco Duque.
Sa palagay ko ay tamang sisihin si Duque dahil ang aga-aga pa nga lang sa laban natin sa COVID-19 e kilig na kilig na siya sa congrats mula sa WHO [6], samantalang kaya naman pala kaunti ang COVID-19 sa Pilipinas e dahil hindi nagtetest ang mga hinayupak.
Mantakin mo, may 2,000 test kits lang pala tayo noon [7]? Paano ngang hindi bababa yung COVID-19 incidence dito e hindi naman pala tayo nagte-test!
Tapos, hindi na nga tayo nagte-test, hindi pa nabibigyan ng PPE ang mga ospital. Naloko na.
Pero sandali lang. Kailangan e sistematiko ang solusyon natin sa problemang ito.
Sa issue ng testing, nagsabi si Dr. Edsel Salvana ng National Institutes of Health na parating na raw yung Gene Xpert, yung mas mabilis na testing machine [8], so isantabi na muna na natin iyang issue na 'yan.
Ngayon, sa issue naman ng PPE. Eksena ni Speaker Alan Peter Cayetano e fake news raw na may kakulangan ng PPE [9], pero mas maniniwala ako sa mga kamag-anak at kaibigan kong totoong doktor at nars na nagsusumbong sa akin na kulang talaga na nabibiyak pa nga boses noong nagsusumbong, at hindi doon sa mga gumagawa ng kaechosan na banner.
Tatlong klase ng solusyon ang kailangan rito: long-, medium-, at short-term.
Pag short-term, ibig sabihin ko e yung magagawa within the the next 30 days. Pag medium-term, yung magagawa withing the next 2 to six months. Pag long-term, yung period after nung medium.
Yung sa long term, dapat talagang sibakin yang si Health Secretary Duque. He's more of a politician than a public health expert. We need technocrats para sa DOH, and Duque is NOT a technocrat.
Yung sa medium term, malinaw na naipaliwanag na yan ni Dr. Tony Leachon sa live video niya kanina, at kabilang doon yung pag-setup ng isang central command center para sa COVID-19 response, hindi yung tulad ngayon na patse-patse ang ginagawa. To watch his live video go to: https://bit.ly/33Hnrog
Yung sa short term, at ito ang pinakamahalaga ngayon, dahil marami pang mamamatay na frontliner kung hindi ito ma-address agad.
Ang kailangan natin, yung agarang darating sa mga ospital. Kaya doon sa mga may access sa supply ng PPE (o kahit pakain lang sa mga hospital workers).
Narito ang isang list ng mga ospital na humihingi ng PPE dahil kulang na kulang raw sila: https://bit.ly/2UdCK54
Alam kong marami sa inyo ang galit na galit sa ilang mga opisyal ng gobyerno dahil sa mga nangyayaring ito, pero idelay muna natin ang galit ng ilang buwan. Mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang kakulangan sa mga ospital.
Kaya kung kaya niyong mag-donate, mag-donate na. Kanina, nagpadala na ako ng pagkain sa isang ospital, pero yun lang ang afford ko for now.
So doon mga yayamanin kong follower, kung pwede lang e tingnan niyo yung listahan ng mga ospital plus contact persons tapos tulungan niyo rin sila.
Again, heto ang link ng listahan ng mga ospital: https://bit.ly/2UdCK54
Kung napabayaan man ni Secretary Duque ang mga doktor at nars natin, sana naman e hindi sila pabayaan rin ng taumbayan. Tulungan natin silang matulungan tayo.
####
SOURCES:
[1] Dr. Tony Leachon. Viber Message to Thinking Pinoy. 24 March 2020.
[2] CNN. At least 23 Italian doctors have died in coronavirus epidemic. 24 March 2020. https://cnn.it/2UrlfNi
[3] MIMS.com. Doctor shortage in the Philippines: An analysis. 16 November 2016. https://bit.ly/33K0AIQ
[4] World Bank Database. Physicians (per 1,000 people). https://bit.ly/2QHemq2
[5] NPR. Coronavirus Has Now Spread To All Regions Of Mainland China. 30 January 2020. https://n.pr/3blDA5q
[6] Interaksyon. WHO commended Philippines over fight vs COVID-19. Some are doubting confirmed cases. 09 March 2020. https://bit.ly/39bhrVP
[7] Bloomberg. The Philippines Has Just 2,000 Virus Testing Kits and Cases Are Rising. 10 March 2020. https://bloom.bg/2TTouOF
[8] Dr. Edsel Salvana. Tweet (@edselsalvana). 24 March 2020. https://bit.ly/2WErTCF
[9] PhilStar. 'Fake' posts not helping real calls for PPE shortages, warns Cayetano. 24 March 2020. https://bit.ly/3dqQyk2
No comments:
Post a Comment