Alam na alam ko kung paano walang pera dahil galing ako dun...
Pag may nagkasakit, magmamakaawa sa iba para mangutang. Pag nadelay sahod, maghahanap ka ng uutangan para ipantawid sa pagkain nyo until dumating ang sahod. Hindi pa nga nadating sa palad mo yun sweldo pero kwentado na yan, madalas short ka pa... Naranasan ko tumira sa silong ng bahay, sa tangkad kong ito need ko lang palagi nakayuko or nakaupo sa loob dahil walang pera pangupa sa maayos na titirhan.
Mahabang list ang kaya kong i enumerate pagdating sa mga topic na ganito... Kaya kung sasabihin nyo na walang halaga ang pera, its either sobra sobra hawak nyo, nakasandal at may inaasahan kayo or hindi nyo pa naranasan na sobrang maghirap. 😞😞😞
Blessing po ang pera pero papel lng ito. Ang halaga nya is yun kaya nyang iprovide, ibigay sayo at sa pamilya mo, sa mahal mo sa buhay. Kaya depende sa paniniwala mo, because your belief becomes your reality in life.
Kung pangit tingin mo sa pagpapala na ito, bakit nman nya gugustuhin magstay sayo. Sa iba na lng na magagamit at makikita yun kanyang tunay na halaga. 🙏🙏🙏
____________________
Guillen Rocher
No comments:
Post a Comment