Saturday, March 21, 2020

Covid-19 critical stage.

CREDIT TO: Leonides Rivera, [17.03.20 10:38]
NASA KRITIKAL STAGE TAYO, BASAHIN AT UNAWAING MABUTI. Mag tagalog ako para madaling maintindihan.

Nakafocus ang mga balita sa panandaliang problema (e.g. traffic, shortage ng pera, alcohol, etc).

Pero meron tayong mas malaking problema na dapat focusan.

Una, may 2 uri ang covid19. Yung asymptomatic at ung symptomatic.

Kapag sinabi na asymptomatic, ito yung mga taong akala mo malulusog o healthy. Akala mo lang yun. Sila yung mga taong hindi nakikitaan ng sintomas ng virus, pero carrier.

Ang asymptomatic na uri ng covid19 virus ay galing sa Diamond Princess cruise ship.

May mga file tayong nakita na yung 322 pinoy na galing dun, na unang nag-negative sa test, at humalo sa public, ay syang pinagmulan ng local contamination. See references below.

Si Migz Zubiri ay carrier ng virus pero hindi mahahalata kasi walang ubo, walang lagnat, walang sintomas, ganyan ang asymptomatic. Yun ang mas delikado.

Bakit? Dahil hindi nadi-detect ng mga scanners sa checkpoint ang mga asymptomatic na tao dahil wala silang lagnat.

Sa madaling salita, maaaring malusog, makinis, malinis at cute ang kausap mo, pero maaaring sya ay carrier ng virus. Walang nakaka alam maliban nang magpa test sa hospital.

Sinu-sino ang mga taong ito? Pwdeng bank manager, guard, lawyer, teacher, student, artista, vendor, negosyante, medical personnel, driver, etc ewan dko alam.

So pwdeng yung kasalubong mo, katabi mo, kaharap mo, gaano man ka-cute sya or may anghit, or gaano man kabango ng perfume nya, maaaring carrier sya.

Ang kalaban natin ay hindi nakikita. Sabi ko nga sa unang post ko, parang predator.

Mag-ingat sa mga healthy looking na tao. Nagta- transform yan.

Makakaramdam ka palang ng sintomas pagkalipas ng 10-14 days kung saan ay hindi mo na lubos maalala ang lahat ng mga taong nakasalamuha mo at mga lugar na pinuntahan mo.

So hindi mo rin alam na carrier ka pala, tapos nag cge ka lang pacute.

Yung konsehal na namatay, asymptomatic din sya. Marami syang nakasalamuha bago sya nakaramdam ng sintomas at huli na ang lahat nang ma-detect na positive sya sa covid19.

Maraming cases ang ganito. Mga healthy at walang sintomas, at ang matindi, walang travel history. Nakapa delikado talaga.

Pangalawa, may mga reports mula sa ibang bansa na yung mga nakakarecover na covid19 patients ay muling nagpa-positive.

Hindi ko alam kung napuksa bang tuluyan ung virus or nare-infect sila. Pero ang malinaw ay hindi nakakapag develop ng immunity ang katawan nila laban sa virus. Or baka ung virus ang naka develop ng immunity laban sa gamot (tulad nung bacteria ng TB). Under study pa yan.

Sa madaling salita, maaaring ung mga ni-release sa hospital ay ma-admit ulit kapag nag reoccurrence ang sintomas ng virus. Mas marami ang bilang ng magiging apektado.

Pangatlo. Ung ipinakikita sa atin ng gobyerno na datus, 140 cases as of now, ay batay yan dun sa mga cases na detected.

Hindi kasama sa datus ung mga undetected or unreported or yung mga asymptomatic victims, yung mga nasa public places na contaminated na pala pero hindi pa nila alam na carrier na sila.

So yung nakikita natin sa balita na malaking bilang ng biktima, sa totoong datus, ay mas malaki ang bilang ng biktima at patuloy na lumalaki ang datus nang hindi natin alam.

Nasa baba ang mga references na pwde nyo icheck, i double check, baka mali lang ako.

So maliwanag na ang kalaban ay hindi natin nakikita, at mas malaki kaysa sa sinasabi ng gobyerno. WALANG IBANG PARAAN SA PANAHONG ITO, KUNDI ANG MANATILI SA LOOB NG BAHAY. Open for target tayo ng kalaban the moment na lumabas tayo. Kaya sumunod tayo sa ipinatutupad ng gobyerno, at least sa ngayon, yan ang magagawa natin.

KRITIKAL ANG MGA SUSUNOD NA ARAW. BRACE FOR FULL IMPACT, ika nga.

MANALANGIN NG TAIMTIM.

Manalangin, manalangin, at ihanda ang sarili at pamilya.

Ito ay isyu ng BUHAY AT KAMATAYAN. Hindi natin alam kung sino susunod pero sure na meron. Kung hindi natin susundin ang mga guidelines na ginagawa ng gobyerno, meron bang ibang paraan na feasible, sa ngayon? WALA. NO CURE YET. DIOS LANG ANG NAKAKA ALAM.

LeonidesRivera, [17.03.20 10:38]
Kung sa palagay mo tama at makatutulong itong sinasabi ko, please share sa iba para makinabang ang lahat. Salamat po

No comments: