GsKers ituring niyo ang Covi19 na tulad ng ordinaryong trangkaso (flu). Ano ginagawa niyo? Di ba pahinga sa bahay lang at inum ng madaming tubig, kumain ng prutas, yung iba soft diet lugaw lugaw muna lalo na kung may sorethroat sa kakaubo, inuman ng paracetamol every 4 hours at pwede rin mga gamot sa ubo at plema lang muna at panay tulog. Maaring umabot ng 3-5 days yan at kusang gagaling. Nakahahawa rin kaya umiiwas tayo sa mga kasama sa bahay lalo na sa mga bata at matatanda.
Sa Covid19 ganun din pero mas matagal nga lang ng konti. Umaabot ng 2 weeks o 14 days. Same same din gagawin tulad sa trangkaso. Rest at home. Pero pag dumating na sa pakiramdam mo hirap sa paghinga (shortness of breath) dyan ka na pupunta sa emergency room ng isang ospital. Evaluate nila condition niyo at base sa assessment mag request sila ng covid19 testing kung kailangan. Tandaan, hindi porket ganun naramdaman niyo covid19 na agad. Pwedeng bacterial pneumonia o iba pa.
No comments:
Post a Comment