Monday, March 23, 2020

Let"s be realistic avout Covid-19

Let’s Be Realistic about Covid-19

Mga Kababayan think POSITIVE po tayo!

Think na POSITIVE tayong lahat may Covid-19.

Dahil maski gustuhin man natin lahat magpatest, hindi kailangan kung walang symptoms, at hindi rin kakayanin matest ang lahat. Magising sa katotohanan... imposible yan mga sinasabing mass testing. It will never happen.

May false negative at kailangan ulitin din ang test ng ilan beses para makasiguro. Importante ang tamang timing ng test para sure yung magiging resulta. Sa unang lagnat ba dapat matest na agad? Sa unang linggo? Pangalawang linggo o 3rd week? Yan ang di alam ng public. Akala anytime pwede.

Kaya lang mahalaga ang test ay para malaman kung positive para mag self-quarantine. Eh kung ganun, bakit hindi na lang lahat tayo magself-quarantine? Mas mabuti di ba.

So think POSITIVE.

Isipin mong covid-19 positive ka.
Stay home at pahinga lang para hindi makahawa. Pag may ubo’t sipon mag steam inhalation kayo, uminum ng madaming tubig, magsuot ng face mask.

At kahit totoong covid positive ka, pag mild symptoms lang ang payo sayo “stay home and isolate yourself.”

Tandaan niyo na yung meron lang hirap sa paghinga ang kadalasan ina-admit sa ospital.

STAY HOME!

PS
Kung iba pananaw niyo, bahala kayo at sundin ano gusto niyong gawin. Kasi napansin ko mas maraming naging henyo nitong mga panahon na may Covid-19 outbreak. Baka yan ang good effect nitong pesteng virus na ito. 😊

No comments: