Sunday, March 22, 2020

Lockdown question.

LOCKDOWN.

TANONG: ano ang dapat dalhin kung lalabas upang bumili ng pagkain at gamot?
SAGOT: HQP at ID
TANONG: ilan ang pwede lumabas at mamalengke?
SAGOT: isa (1) kada pamilya at dapat may dalang HQP at ID
TANONG: pwede ba gumamit ng motor papunta ng palengke?
SAGOT: kung single ay oo basta dala mo ang HQP at lisensya, kung tricycle dapat pareho kayo ng driver na may HQP.si driver plus lisensya. tricycle (1 driver, 1 pasahero)
TANONG: paano kung sa Cabanatuan ko gusto mamalengke?
SAGOT: hindi na po kayo papayagan at hindi na kayo makakapasok sa cabanatuan kung yung ang dahilan.
TANONG: Paano kung bibili ng gamot sa ibang bayan dahil wala dito?
SAGOT: papayagan po kayo kuha kayo ng Travel pass sa munisipyo dalin nyo reseta nyo.
TANONG: sigurado bang may mabibili pa sa palengke?
SAGOT: OO,dahil tuloy tuloy ang operasyon ng mga delivery ng pagkain.
TANONG: Pwede pa ba bumili sa tindahan ng walang HQP?
SAGOT: Hindi na.
TANONG: paano kung kailangan pumunta ng hospital sa cabanatuan?
SAGOT: depende, kung emergency sakay ambulasya punta ng cab, kung halimbawa check-up/scheduled dialysis,kuha muna Health Pass sa munisipyo, dalin ang papeles na katunayan.
TANONG: paano kung nagtatrabaho ako sa ibang bayan,papayagan pa ba ako makalabas ng palayan?
SAGOT: depende sa uri ng trabaho mo, kung ang trabaho mo ay may kinalaman sa paggawa ng pagkain/gamot,pagdelivery ng pagkain/gamot, sa bangko, at iba pang katulad na trabaho ay OO,ngunit kailangan mo kumuha ng travel pass sa barangay at munisipyo.
TANONG: paano kami wala pa kami HQP?
SAGOT: txt nyo kapitan o barangay, padeliver nyo sa bahay nyo wag kayo punta sa brgy.hall.
TANONG: paano kung magpapaani ako sa bukid, makakapunta ba ako?
SAGOT: Oo, punta ka muna sa DA apply ka ng Pass.
TANONG: paano kung hindi ko nadala ang HQP at nasa labas ako?
SAGOT: dampot pulis dala sa presinto.
TANONG: pwede pa ba lumabas ang may HQP o sinoman pag oras ng curfew?
SAGOT: Hindi. frontliners lang ang nasa labas pag oras ng curfew.
TANONG: paano kung kakauwi ko lang galing sa ibang lugar?
SAGOT: dapat malaman ng barangay at sasa ilalalim ka sa 14 days quarantine.
TANONG: pwede ba lumabas ang Person Under Monitoring o PUM?
SAGOT: Hindi.

copy paste..

No comments: