Tuesday, March 03, 2020
Bulls eyes.
Healing needs time, effort and money.
Lagi nalang busy, walang oras, walang pagkakataon para bumisita sa doktor para magpatingin.
May nararamdaman na hindi pa pupunta sa doktor para magpasuri.
Excuses: Kaya ko pa naman. Wala ito. Gastos lang yan.
Gustong gumaling pero ayaw magtungo maski sa health center man lang para masuri.
Magrereklamo na malayo yung clinic pero paghirap na hirap na sa karamdaman maski sa bundok pa yan dadayuhin.
Madalas dumadaing na hindi nagpapaliwanag ang doktor nila. Samantala ako panay paliwanag hindi naman sumusunod.
Magtatanong anong bawal kainin maski alam naman nila ang bawal pero kinakain pa rin naman.
Pag sinabihan na mag-ehersiyo sasabihin nila nanghihina ako eh... kaya nga nanghihina hindi kasi nag-eehersiyo. (Physical exercise increases strength and endurance.)
Sinabi na ngang maintenance drug tatanungin kung pwedeng itigil. Pag sinabing pang habang buhay iinumin tatanungin kung kailan pwedeng itigil. (Syempre pagpatay na tigil na.)
Pag hopeless case at tigokabol na tsaka lang maghahanap ng lunas at sasabihin pa ng mga kaanak "dok gawin niyo lahat ng magagawa at maski magkano itatawid namin magkakamag-anak.
Ako naman bilang doktor ipapayo ko sa pasyente ko yung the best para sa pagbuti ng kalusugan nila mayaman man o mahirap. Kung ang ipapayo ko sa pasyente ay nakabase sa kakayahan niya sa buhay nagiging unfair ako sa pasyente. Dapat laging the best advice.
Kung hindi kayang tustusan yung mga pinayo ko wala na po akong magagawa (hindi pa ako presidente ng Pinas). Basta ang mahalaga naipayo ko yung sa tingin kong tama para sa pasyenteng may karamdaman.
Healing needs time, effort and money.
No time with effort and money.... Patay!
No effort with time and money... Patay!
No money with time and effort... Patay!
Note:
No time means huli na ang lahat at malala na yung kundisyon.
No effort means tamad, matigas ang ulo, panay pa rin kain ng bawal, nagyoyosi, panay alak, di nagpapahinga, panay stress ayaw mag lie low, at marami pang iba.
No money means walang pambili ng gamot, walang pampa-opera, dialysis o whatever.
Buti na malinaw at baka may pilosopo na naman dyan.
Matutuyuan na talaga ako sa iba sa inyo. Grrrrr...
Iba sa inyo maka-comment lang maski di nag-iisip.
Tanong ng tanong hindi man lang magbasa muna, nandoon na lahat ng sagot sa tanong.
I am blaming patient for seeing their doctor late...
I am blaming patient for their lack of effort...
But I never blamed any patient for their lack of money.
They should not blame me also for not getting the improvement they expected for they were not able to follow my advises.
I don't blame them for being poor. Likewise, they should not blame me for their poverty. --- Dr. Gary Sy
Stone stone sa heaven ang ma-hit wag ma-angry. 😊
GOOD MORNING GsKers!
PS
Tingnan niyo may mag-like agad nito na di pa nga nabasa. Paano kung ang naka-lagay tanga ang mag-like nito kung di muna binasa nag-like agad? HA HA HA... Duduguin talaga ako sa iba sa inyo. Sa iba lang ha. 🤣🤣🤣
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment