Tuesday, February 23, 2021

Bakuna.

 Paliwanag ko lang ng konti ang bakuna sa simpleng paraan...


Ang katawan natin may sundalo laban sa mga kalaban. Kaso hindi alam ng sundalo natin kung sino yang kalaban natin na nakapasok sa atin katawan.


Kailangan may magpakilala. 


Yung bakuna ay nagpapakilala sa mga sundalo natin kung sino ang kalaban at magbibigay ng instructions upakan mo mga kalaban na may dalang balisong. Kaya nga may tusok-tusok (spike protein) ang pesteng covid na yan. Kung walang spikes yan hindi naman makakapinsala at baka kaya na natin sapukin lang yan. 👊 (sapok yan ha hindi Duterte sign) 🤣


Pag nabakunahan na tayo pag pumasok na sa ating katawan si pesteng covid nakahanda na mga sundalo natin at may dalang bazooka. Yare sya! 😊


Ang tanong, gusto niyo bang mag bakasakaling mahina lang naman ang kalaban? Ayaw niyo bang i-handa mga sundalo niyo? Paano kung sa katagalan hindi na balisong ang bitbit ni covid? Nag-mutate ang loko. At dumami ang variants. Tayo ang yare! 😩 Ala, mas mahihirapan tayo kung suntukan lang panlaban natin. 


Just a thought...

No second thought. 😊

No comments: