Karapatan sa right of way, alamin
DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / Magtanong kay Attorney
Ang easement ay uri ng pasanin ng immovable, karaniwan, ito ay sa lupa para sa kapakanan ng isa pang immovable na pag-aari ng ibang tao. Ang isang easement ay maaaring para sa kapakinabangan ng publiko o nakararami o ng pribadong tao. Ang immovable kung saan ang easement ay itatatag ay ang tinatawag na servient estate. Dominant estate naman ang tawag sa immovable kung saan magiging pabor ang easement na itatatag.
Ang karapatan na mabigyan ng road right of way ay nakapaloob sa Artikulo 649 ng New Civil Code kung saan nakasaad ang:
“The owner, or any person who by virtue of a real right may cultivate or use any immovable, which is surrounded by other immovables pertaining to other persons and without adequate outlet to a public highway, is entitled to demand a right of way through the neighboring estates, after payment of the proper indemnity.”
Ayon sa nasabing batas, sinuman na ang pag-aari ay pinaiikutan ng iba pang pag-aari ng ibang tao na walang madaanan patungo sa highway ay may karapatang humingi ng right of way pagkatapos magbayad ng kaukulang bayad-pinsala. Ang bayad-pinsala ay nangangahulugan na babayaran ng nangangailangan nito ayon sa presyo ng parte ng lupa na kanyang gagamitin at sa laki ng kapinsalaan ng lupang gagamitin. Ang right of way ay dapat panatilihin sa isang punto na pinakakaunti ang pinsala sa servient estate.
Sa kabilang banda, kung ang isang kapiraso ng lupa na nakamtan sa pamamagitan ng pagbili, pakikipagpalit o pagkabahagi ay napaliligiran ng ibang lupain ng nagbenta, nagpalit o ng co-owner, siya ay inoobliga ng batas na magbigay ng right of way nang walang bayad-pinsala.
Sa kaso ng Quintanilla vs. Abangan (G.R. No. 160613, February 12, 2008, Ponente: Honorable former Associate Justice Antonio Eduardo B. Nachura), sinabi ng Korte Suprema na:
“To be entitled to an easement of right of way, the following requisites should be met:
1. The dominant estate is surrounded by other immovables and has no adequate outlet to a public highway;
2. There is payment of proper indemnity;
3. The isolation is not due to the acts of the proprietor of the dominant estate; and
4. The right of way claimed is at the point least prejudicial to the servient estate; and insofar as consistent with this rule, where the distance from the dominant estate to a public highway may be the shortest.
Kaya kinakailangan na kapag ang isang tao ay nagsampa ng petisyon para sa easement of right of way ay mapatunayan niya sa hukuman ang apat (4) na rekisitong ito para siya ay mabigyan ng right of way. Marapat din na ang maibibigay na road right of way ay ang pinakamababa ang abala sa may-ari ng lupang hinihingan ng right of way.
Bagama’t, may karapatan ang isang tao na mabigyan ng road right of way at para magamit niya ito sa ibang tao ay kinakailangan niyang magsampa ng petisyon sa husgado, subalit, bago ito gawin ay mas maigi pa ring pag-usapan nang maayos ang usapin bago magsampa ng kaukulang reklamo para makahingi ng right of way.
No comments:
Post a Comment