Natatandaan nyo ba yun dati kong kwento? Nun Newbie pa ako meron nagsabi sa akin;
“Sa kakatrade mo, hanggang December ka lng ubos yan pera mo.”
Sumama talaga loob ko nyan dahil nagwwork pa ako dati as OFW with low salary. Pinaghihirapan ko talaga yun pera na nilalagay ko sa portfolio. Tapos may doomsayer na inunahan ka sa mangyayari daw sayo.
I’ll consider that a blessing in disguise, because I treated that as a challenge to myself. Na hindi yun mangyayari sakin at magtatagumpay ako dito. Definiteness of Purpose and Will to make it happen...
And that my friend was 7yrs ago at hanggang ngayon nandito pa rin po ako. That time wala pa sa 100k ang pera ko sa portfolio, pero ngayon more than 1 Million na po, thank God 🙏🙏.
♦️Ano yun mga Natutunan ko dito?
1) You see, others reality is not your own reality. Maybe base on his experience mabilis naubos ang pera nya nun nagsisimula pa lng sya magtrade. Naging too aggressive, thinking na ganun kadali kumita sa market. Kaya akala nya yun nangyari sa kanya ay siguradong mangyayari din sa akin.
2) It is wiser to learn from other experiences. Thankful ako kay Sir Elias dahil madami akong natutuhan sa mga payo nya. He is a veteran trader, na masungit at pagsasabihan ka lagi. Kung balat sibuyas ka, you will really get offended, pero sabi ko this is what I need and I will see this as opportunity.
3) Dont be define and shaken by other voice. Dahil napakadami nyan, kung ano ano sasabihin, nakakabingi at irita sila. Some will discourage you, some will simply toxic you. Avoid them.
4) Just because they didn’t make it, doesn’t mean you cannot make it. Hindi dahil sa hindi sila nagtagumpay, nabigo sila, sumuko na... ay ganun na din ang mangyayari sayo.
5) If I fail then I failed, at least I failed by trying and not failing by default or by other peoples opinion.
If you get inspired then good. Pero mas gusto ko sanang marinig someday sayo na,
“Ms Guillen I made it and its worth it.”
No comments:
Post a Comment