JOSE BASCO
Si Governor General Jose Basco ang tinaguriang Basco Batanes.
Ang Batanes ay Vatan na mga unang taong nanirahan sa mga grupo ng isla.
Ang Batanes ay ang northernmost province ng Pilipinas, maliit sa land area at mababang populasyon. Binubuo ng sampung isla na may tatlong inhabited islands, Sabtang, Batan, at Itbayat. Ang kabisera ng Batanes ay Basco.
Noong 1783 ay isinama ni Governor General Jose Basco ang Batanes na gawing bahagi ng Pilipinas at sa kanya ipinangalan ang Basco, Batanes. Napapalibutan ng Dagat Kanluran ng Pilipinas.
Ang Batanes ay sinasabing bahagi ng mga Isla ng Taiwan noon na nasakop ni Jose Basco at ginawang mga isla ng Pilipinas. Pinarangalan ng Kaharian ng España siya na Conquistador Jose Basco de Batanes.
Mga rootcrops ang pangunahing agrikultura at cattle raising.
Mga lenguwahe: Ivatan, Itbayanon, Isamurongen, Ilocano, Tagalog, Ingles.
Ang Batanes ay nasa Typhoon Belt at gumawa ng mga bahay na bato, limestone, ang mga Kastila dito na matatag sa bagyo. Bahay na bato na nagbibigay ng lamig kapag taginit at nagbibigay ng init kapag taglamig.
Sa panahon ng taginit ay nasa 32C ang temperatura at pag taglamig ay bumabagsak sa 7C ang lamig ng temperatura.
May magandang kultura ang Batanes na kung tawagin ay "Honesty Store". May mga tindahan na iniiwang bukas lang na walang tindera o taong nagtitinda at pumapasok ang mga bumibili.
May mga presyo ang paninda at kusang babayaran ito ng bumibili at ilalagay ang pera sa isang kahon. At kung may sukli ay dito rin kukunin ng bumibili.
Larawan: Tayid Lighthouse, Mahatao Batan Island, Batanes.
No comments:
Post a Comment