Toxic Filipino Culture kapag bumili ka ng sasakyan mayabang ka na sa mata ng ibang tao.
Kapag bago ang sasakyan at kinuha mo nang hulugan sasabihin sayo hulugan kinuha kasi wala yang pera pambayad ng cash.
Kapag naman binili mo ng 2nd hand same pa din sasabihin wala pambili ng bago kaya 2nd lang binili kasi walang pera yan.
Kapag nalaman na nangungupahan ka sasabihan umuupa lang yan kasi walang pera pambili ng bahay yan.
Kapag maganda ka sasabihin sayo may pera kasi yan kaya nakakapagpaganda yan.
Kapag hindi ka nmn kagandahan sasabihin sayo kahit mag kapera yan pangit pa din yan
Kapag mayaman o mapera ka masama ka.
Kapag mahirap ka mabuti kang tao.
Kapag bumili ka ng branded na gamit mayabang ka.
Kapag bumili ka ng mura naghihirap ka.
Kahit ano pang gawin mo may masasabi at masasabi sayo ang mga tao.
So why care about toxic opinion of toxic people.
Pwede mo gawin ano ang gusto mo bumili ka ng bagay na gusto mo mahal man o mura at flex mo karapatan mo yan.
Kumain ka ng gusto mo mahal man o mura.
Deserve mo yan.
Hindi nila nakikita paano ka nahihilo sa puyat paano ka napapagod paano ka naiiyak paano nagigiba ang dibdib mo sa hirap at pagtitiis, you deserve everything you want to give to your self.
Reward mo sa sarili mo yan.
It's a must that's self love and care.
Basta galing sa pinaghirapan mo flex it.
At the end of the day opinions of other people cannot pay your bills.
Source: Jeffrey Lopez Perez
No comments:
Post a Comment