Saturday, February 13, 2021

Laging may pag asa.

 Isa ako sa mga nangarap. Isa ako sa mga dating hindi alam ang pupuntahan. Yun tinatawag na matalino pero hindi umasenso sa buhay.


Isa ako sa mga nagabroad, na paguwi ay walang ipon. Isa ako sa mga taong walang laman ang bulsa, nammroblema sa kakainin mamaya at paano ulit bukas.


At dahil dun, tinatawanan nila ako, wala daw narating sa buhay. Walang diskarte. Iniiyakan ko yan pero hindi ko pinapakita kahit kanino.


Pero ngayon, lahat ng yan ay lumipas na. Mga kwento na lng ng kahapon. At ngayon sinusulat ko para sabihin sayo. Isa din akong tulad mo, pero hindi ako tumigil dun. Gusto kong malaman mo na posibleng matapos ang hirap at dumating ang ginhawa.


Nakangiti ako ngayon, habang inaalala lahat, at hindi na ako umiiyak.


Siguro tanong ng iba, Bakit kailangan pang magpost at share ng ganito?


Dahil nun panahong mahirap ang lahat, naghahanap ako ng taong ganito ang sasabihin sakin. Gusto ko marinig na may pagasa pa, makakaahon din ako. Gusto ko sanang lumakas ang loob ko at magkaron ng taong maniniwala sa akin. 


I am looking for someone, for a person. I failed, until I found out the person I am looking for is me. I can be my own person. 


Pero eto sasabihin ko sayo, sana maintindihan mo na lumakad ako sa daanan na ito, yun ay hindi dahil malakas ang loob ko. Hindi dahil positive person ako, hindi dahil naniniwala ako sa sarili ko at hindi dahil matapang ako. I wish I am that person but I’m not.


Tumuloy ako sa paglalakad na ito na umiiyak, nanghihina, nasasaktan, gustong sumuko, may takot, at hindi alam palagi kung ano ang gagawin. 


Kung itatanong mo kung paano ako umangat at narating kung ano yun meron man ako ngayon. Eto yun sagot; Hindi man buo yun tiwala ko sa sarili ko, pero naniwala ako na meron higit sa akin na gagawa ng paraan, magpapakita ng daan pag naliligaw ako, sasagot pag hindi ko alam ang gagawin. Basta itutuloy ko lng, hindi nya ako pababayaan at iiwanan. 


Sana maunawaan mo yun mga gusto kong sabihin. See you at the top, basta tumuloy ka lng, ituloy mo lng.


And I made a commitment to Him,

I will make YOU proud... ❤️❤️

No comments: