"PARA KANINO KA BUMABANGON?"
Paggising ko po sa umaga, ako rin po ay napapatanong: “Para kanino ka bumabangon, Rianne?”
Imumulat ko po ang aking mga mata, titingin sa taas at pasasalamatan ang Panginoon para sa panibagong araw na ibinigay niya sa akin. Tapos pagmamasdan ko ang aking katabi sa pagtulog at alam ko na po ang unang sagot sa aking katanungan: PARA SA PAG-IBIG AT PAMILYA.
Pagkatapos ay kukunin ko po aking cellphone para tingnan ang mga nararapat kong gawin para sa araw na ito at nakuha ko na po ang ikalawang sagot: PARA SA BAYAN.
PAG-IBIG, PAMILYA AT BAYAN, iyan po ang mga dahilan kung bakit ako bumabangon.
Kayo po ang aking inspirasyon sa aking pagsisimula ng araw na ito. Kaya ako po ay masiglang tatayo, maghihilamos, mag-aalmusal, maliligo at mag-aayos. Ilalatag ko po ang mga dokumento sa aking mesa sabay inom ng bitamina at magsisimulang magtrabaho para sa pag-ibig, para sa pamilya, para sa bayan, PARA SA INYO.
#TungoSaMagandangKinabukasan
#TungoSaBagongPalayanNowNa
#PalayanCity
#MayorRianneCuevas
No comments:
Post a Comment