UBO: Mga Pagkain at Inumin na Kailangan Iwasan
1. Dairy o pagkain na may gatas
Tuwing mayroong cough o ubo, pinapayo na iwasan ang dairy o mga foods na may dairy dahil nakakatulong ito sa pagdami ng plema.
2. Citrus fruits o juices
Ayon sa ibang eksperto, ang mga citrus fruits kagaya ng orange, lemon at calamansi ay kinakailangan iwasan dahil acidic ito at maaaring makasama sa lalamunan. Bagamat mayroon itong vitamin c na nakakatulong sa pagpapagaling ng ubo, kung napadami sa pagkain o pag-inom nito, maaari itong makasama kaysa makabuti.
3. Fried food o piniritong pagkain
Ang fried foods o mga piniritong pagkain ay maaari lamang magpalala sa cough o ubo. Kung kaya’t pati ang mga pagkaing katulad ng chips, french fries at iba pang junk foods ay kinakailangan iwasan. Nakakabusog lamang ang mga ito at walang gaanong nutrisyong naibibigay sa katawan para gumaling ito.
4. Matatamis na pagkain
Ito’y maaaring magpadami ng plema na lalong magdudulot ng pag-ubo.
5. Coffee
Ang coffee ay hindi nakakabuti sa taong may cough o ubo dahil nakakadulot ito ng hirap sa paghinga at maaari itong maka-dulot ng dry cough.
6. Alcohol
Ang alak ay nagdudulot ng dehydration at nakakababa ng immune system, kaya kinakailangan itong iwasan kung mayroong cough o ubo.
Ang mga pagkaing nabanggit ay ilan lamang sa mga pagkain na kailangan iwasan kung mayroong cough o ubo. Upang makasigurado na gumanda ang pakiramdam, kinakailangan pumunta sa Doktor upang masuri at mabigyan ng angkop na gamot sa ubo. Maliban dito, importante din ang pagkain ng masustansyang pagkain at sapat na pahinga para lalong bumilis ang pag-galing ng cough o ubo.
No comments:
Post a Comment