Friday, February 05, 2021

Learn.

 Last week may nagsabi sakin, “Mam usong uso po sa Tiktok ang mga video about trading and stock market. Gawa din po kayo para dumami lalo follower nyo.” 


Una- Ang stock trading ay hindi paramihan ng follower. If anyone will follow my Page then I will be happy. Kasi iniisip ko na nagffollow sila because they are learning. Thats why they also support my Page. 


2nd- If anyone really wants to learn stock trading you will never learn it by 1-3 mins video. In fact hindi ka din gagaling magtrade kahit 1 month ka pa nagaral, nagbasa at nanood ng ibat ibang video. Hindi ganyan way mapapalitan ang rat race mo. Hindi ganyan ang serious way of learning the market. 


For fun, yes pwede ka maentertain, why not kung inaaliw mo lng sarili mo. Pero kung seryoso ka talaga, hindi yun ang daan. 


3rd- Kung gusto mo magstock market or trader, do not go after the hype of media and popularity. 


“Ay sikat yun group na ito, pag naging trader na ako sasali ako sa group nila para bigatin at sikat din.” 


Ang dami daming ganito, super... Nun pumasok ako sa stock market ang nasa isip ko lng, “Gagaling din ako dito at makakalaya sa hirap ng buhay ko.” 


Pero ngayon iba nakikita ko, they seek for popularity and hype. Alin ang hot groups, nandun sila, sunod lagi sa lahat ng agos. Hindi kayo patatagalin ng ganyan gawain at intention sa stock market.


Find your person within you na kahit ikaw lng kaya mong tumayo. 


Yun makikilala ka ay kasunod na lng yan ng dedication mo at purpose driven na makapag share din sa iba. 


Remember; Nagiinvest at trade ka, not for hype and popularity. But for yourself and your family. Your goals and reasons. 


Dahil ang nagtatagumpay dito ay yun meron “Definiteness of Purpose and Will to make it happen.” 💝💝

No comments: