Sunday, October 26, 2025

Audit.

 Hindi ito ang una.


Sana nga ay pwedeng ipag-kibit balikat lang!


Pero hindi!


Sa gitna ng malawakang pag-sambulat ng usapan tungkol sa katiwalian, susundan pa tayo ng ganitong pasabog! Parang sugat na binubudburan ng asin!


Alam nyo ba kung gaano kasakit ito para sa mga naghirap mag-buo ng mga audit reports na pinagbasehan ng mga kasong ganito?


Ilang libong oras yun, ng masusing pag-hahalikwat ng mga dokumento. Hindi maayos ang record system ng ating gobyerno, kaya nga, hindi pa uso ang Covid, naka face mask na kami.


Ilang libong oras yun ng pag-aanalisa ng mga kwenta at pagdu-dugtong ng mga kwento sa kabila ng kwenta!


Ilang libong oras ng pag-pupuyat. Sa bawat talaan ng pag-gastos, sa bawat dokumento at kung anu-anong report, pinag-iingatan mong buuin ang kwento ng kwenta ng pera na bayan.


Hindi maiaalis, madala ka sa galit sa mga tinatawag na lingkod bayan subalit tirador naman pala ng pera!


Pag- nasulat na ang audit report, isa-isa na namang babalikan ang mga dokumento para naman sa Notices of Disallowance!


Isa isa mong ikakahon ang mga ebidensya, lalagyan ng marka at itatago sa bodega habang ipinapanalangin na sana, andyan pa sya, pagdating ng court hearing.


Pag-katapos mong ikulong ang mga dokumento, ikukulong mo rin ang mga mahahalagang information upang muling buksan sa natatanging araw!


Ilang libong beses ng nasabihan, walang manyayari dyan. Huli pero walang kulong! Wala ring matagumpay na balikan ng pera except sa ilang mga mapalad na cases.


Papayamanin mo lang sila! Habang ikaw, ay tyak na pahihirapan! Sumakay ka na lang! Yan ang madalas marinig! 


Ilang libong ring nagipit, nangailangan din subalit nanatiling kumapit sa kung ano ang nararapat, ano ang tama!


Hindi nagtatapos ang lahat sa audit. Pag nakapasok na sa Sandigan Bayan, kasama ulit ang auditor!


Muli mong babalikan ang iyong audit findings na kung minsan, 10 taon na ang naka lipas mula nung audit bago dininig!


May puksaan ang tama at mali! Malinaw kung alin sa kanila ang dapat manaig. Hindi ko man ito masaksihan ngayon, sa puso ko, walang magbabago!


Sana hindi nagkamali sa patuloy na pag-tataya! 


Salamat sa lahat ng auditor, imbestigador, prosecutor at ilang Justices na patuloy at buong katapatang gumagawa ng tama!


Salamat sa mga followers na patuloy na sumusubaybay!


Salamat Rappler sa patuloy na pag-hihimay ng mga paksang may pakinabang para sa lahat ng mamamayan!


More here: rplr.co/HowEnrileEvadedConvictions

No comments: