Habang pinapanood ko yung interview ni Emman kay Toni Gonzaga, grabe, nadurog puso ko.
Kinuwento niya kung paano siya inabuso ng yaya niya noong bata pa siya. Akala niya normal na disiplina pero hindi pala. 😢
Yung yaya niya sinasabihan siya na “papatayin siya” nung stuffed toy niya, minsan ikinukulong pa siya sa cabinet kasama ‘yon.
Pag gumalaw daw siya habang natutulog, sinasampal. At kung anu-anong masasakit na salita pa ang naririnig niya, mga salitang walang batang dapat makarinig.
👉 Lesson para sa ating mga magulang: Huwag basta-basta magtiwala ng bata sa kung sino lang.
Lalo na sa mga unang taon nila, kasi yung mga karanasang yun, dinadala nila habang buhay.
Doon nabubuo yung takot, tiwala sa sarili, at pakiramdam ng seguridad nila.
Kaya mga magulang, kung may trabaho man o negosyo ka, siguraduhin mo pa rin na may oras kang ibinibigay sa anak mo.
Hindi kailangang perfect, hindi kailangang 24/7, pero sapat para maramdaman nilang safe at mahal sila.
Mas mabuti nang simple ang buhay pero buo ang loob ng anak mo kaysa marangya nga pero wasak ang pagkatao niya sa loob.
Kasi minsan, ang pinakamahalagang investment hindi pera,
kundi oras, presensya, at pagmamahal. 💖
#NoToMapanakitNaYaya #NoToAbusiveYaya #fblifestyle #parentslove #toddlerlife
No comments:
Post a Comment