Sunday, October 26, 2025

Papaano makakalusot.

GUSTO NIYONG MALAMAN KUNG PAANO NAKAKALUSOT SA KASO ANG MGA MAKAPANGYARIHAN? 🤔

Simple lang yan. 🤫

Hihintayin munang nilang lumamig ang issue at mawala sa sirkulasyon ang mga pangalan nito. 🫣

At pagkatapos, saka na nila gagapangin ang kaso. At tatlo ang pupuwedeng diskarte dito. 🫢

Una, idedelay at uupuan muna nila ang mga kaso. At pagkatapos ay biglang magfafile ng petition na kesyo nilabag daw ng gobyerno ang karapatan nila to speedy disposition of cases, o yung dapat mabilis ang takbo ng kanilang kaso. 😜

Yung tipong gagamitin mo muna ng matagal ang kaldero, tapos bigla kang magrereklamo kung bakit nangingitim na ito. 😅

Pangalawa, magkakaroon ng usapan na mahihinang ebidensya lang ang ilalabas sa hukuman, para hindi nila maabot ang proof beyond reasonable doubt na nirerequire ng batas para sila ay maparusahan. 🤫

At ang pangatlo, kung sobrang mabigat ang ebidensya laban sayo, may mga tauhan kang nakahandaang akuin ang lahat ng kasalanang nagawa mo. 🫣

Kaya kung babasahin mo ng mabuti ang desisyon sa mga kasong ganito, absuwelto ang mga bossing ng sindikato, pero mahahatulan ang mga alalay nito. 😜

At ang mga julalay na fall guy? Either nakatakas na yan o magpapakulong nalang. Pero anuman ang usapan, siguradong busog na busog ang mga dakilang nilalang. 🤭

Ayan, alam niyo na ang galawan sa looban, para hindi na kayo magtaka kung bakit nagiging ganyan ang resulta ng mga kasong pangmalakasan. 🫡

#attyg 
#legaltips 
#injustice 
#photocredittotherightfulowner

No comments: