HR: Magkano ang salary expectation niyo po?
Aplikante: Mga ₱30,000 po kada buwan.
HR: Malakas ang profile mo, pero medyo mataas yan sa budget namin.
Aplikante: Gusto ko talaga tong posisyon. Kung ₱25,000 okay sa inyo, pwede akong mag-adjust.
HR: Sige, ayusin na natin sa ₱20,000.
Medyo nagdalawang-isip si kandidato… pero pumayag din.
⸻
Sa loob ng opisina:
Position filled! Budget natin ₱35,000 , hired at ₱20,000. Nakapagtipid tayo ng ₱15,000 bawat buwan!
HR Manager: “Excellent hiring!” 😏
⸻
Ilang linggo ang lumipas…
Nalaman ng bagong empleyado na ang mga ka-level niyang staff ay kumikita ng ₱30,000 - 40,000.
At doon nagsimula ang totoong kwento:
💥 Nawala ang gana
💥 Nawasak ang tiwala
💥 Bumaba ang performance
💥 Resignation letter sa mesa
⸻
Balik sa simula ang kumpanya:
🔄 May bagong vacancy
🔄 Recruitment na naman
🔄 Onboarding gastos
🔄 Productivity loss
⸻
Totoong aral:
👉 Ang pag-underpay sa magaling na empleyado ay hindi pagtitipid , kundi patagong gastos na mas malaki pa sa huli.
👉 Kung gusto mong magtagal ang top talent mo, bayaran sila nang patas mula sa unang araw.
Hindi lang sila nagdadala ng skills , dala nila ang loyalty, stability, at long-term growth ng kumpanya. 💼✨
#UnderpayTodayPayTwiceTomorrow
No comments:
Post a Comment