GAWIN MO TO Pagkatapos magpirmahan ng Deed Of Absolute Sale🤔📝
Dear Follower,
Kapag tapos na ang pirmahan ng Deed of Absolute Sale (DOAS) — hindi pa diyan natatapos ang proseso. Ang kasunod ay ang pagbabayad ng taxes at paglipat ng titulo at tax declaration sa pangalan ng buyer.
Eto ang step-by-step process pagkatapos ng pirmahan:
⸻
UNA – Ipa-notaryo ang Deed of Absolute Sale
• Dapat notarized ang DOAS para maging legal at valid sa BIR at Registry of Deeds
• Huwag tatanggap ng “draft” lang — kailangan may Notarial Seal at Entry Number
⸻
PANGALAWA – Magbayad ng Taxes sa BIR
May dalawang buwis na kailangang bayaran:
• Capital Gains Tax (CGT) – 6% ng selling price o zonal value (whichever is higher)
• Documentary Stamp Tax (DST) – 1.5% ng selling price o zonal value
Mag-fill out ng:
• BIR Form 1706 (CGT)
• BIR Form 2000-OT (DST)
Ihanda ang mga requirements:
• Notarized DOAS
• Certified True Copy ng Title
• Tax Declaration (Land and Improvement)
• Valid IDs ng buyer at seller
• TIN ng buyer at seller
⸻
PANGATLO – Kumuha ng Certificate Authorizing Registration (CAR) mula sa BIR
• Ito ang patunay na bayad na ang taxes at pwede nang mailipat ang titulo
• Usually makukuha ito in 2 to 4 weeks depending sa RDO
⸻
PANG-APAT – Magbayad ng Transfer Tax sa Treasurer’s Office
• Bago makapagpatitulo, kailangan bayaran ang Transfer Tax (usually 0.5% to 0.75% ng FMV)
• Dalhin ang CAR, DOAS, at Tax Dec
⸻
PANG-LIMA – Magpatransfer ng Titulo sa Registry of Deeds (RD)
• Dalhin ang CAR, DOAS, Transfer Tax receipt, at original title
• Dito nila ilalabas ang bagong TCT sa pangalan mo bilang buyer
⸻
PANG-ANIM – Magpalipat ng Tax Declaration sa Assessor’s Office
• Huling step: i-update ang Tax Declaration ng lupa at bahay sa pangalan ng buyer
• Requirement:
• Certified true copy ng bagong Title
• DOAS
• CAR
• Tax clearance
• Barangay Cert (minsan)
⸻
Tips:
Huwag hayaan matengga ang titulo sa pangalan ng seller. Pagkatapos ng pirmahan, gawin agad ang mga steps na ‘to para siguradong ikaw na ang legal owner.
Follow for more tips!

No comments:
Post a Comment