Saturday, December 20, 2025

Makakasuhan pa ba ang namayapa na.

MAKAKASUHAN PA BA ANG NAMAYAPA NA? 🤔

Linawin po natin ang bagay na ito. 🤔

Pagdating po sa mga CRIMINAL CASES, katulad ng plunder o pandarambong, ay HINDI na po makakasuhan kayo. 🤔

Dahil ang criminal liability po ng isang tao ay extinguished upon his death, o namamatay rin po ito kasabay ng pagpanaw ng maysala nito. 🤔

Strictly personal po kasi ang criminal liability, at hindi ito puwedeng ipasa sa mga kamag anak o kaibigan mo. 🤔

Subalit pagdating naman po sa CIVIL CASES, o yung mga cases for damages lang at walang kulong ito, ay PUWEDE pa pong gawin ito. 🤔

Dahil ang hinahabol mo kasi dito ay ang ari ariang naiwan ng namayapa, bilang kabayaran sa damages o danyos sa mga nagawa niya, noong siya ay nabubuhay pa. 🤔

At ang kakasuhan mo po dito ay ang naiwang estate o ari arian ng namayapa, sa pamamagitan ng pagfafile ng kaso laban sa executor o administrator ng nasabing ari arian niya. 🤔

At sa kaso ni dating USEC Cabral, malamang ay TORT ang ikakaso nila dito, at gagamitin nila ang Article 19 ng ating Civil Code para makamit ito. 🤔

Ang tort ang ikinakaso mo, kung dahil sa mga maling ginawa o matinding kapabayaan mo, ay nawalan ng pera, ari arian, o nasira ang reputasyon ng isang organisasyon o tao. 🤔

Dahil bilang isang dating public servant o nagsisilbi sa gobyerno, may duty o obligasyon si dating USEC Cabral na maging makatarungan, maging patas, maging tapat, at magpakatotoo sa trabaho nito. 🤔

At susubukang patunayan ngayon ng gobyerno, na hindi niya ginawa ang mga ito, upang mabawi nila ang mga kontrobersiyal na ari ariang naipundar nito. 🤔

Inuunahan ko na po kayo dito, at baka mainip kayo sa takbo ng imbestigasyon tungkol sa isyung ito. 🤔

At mahalagang malaman rin ninyo ang mga bagay na ito, para sa pansariling kapakanan ninyo. 🤔

Sa mga interesado sa opinyon ko tungkol sa pagkamatay ni dating USEC Cabral, ay basahin niyo nalang po ang pinost ko kahapon tungkol dito. 🤔

Dahil mapapansin ninyo, na unti unti nang lumalabas na tugma ang pananaw ko, sa nagiging resulta ng kanilang imbestigasyon tungkol dito. 🤔

Muling nakikiramay po kami sa kaanak ng namayapa sa trahedyang ito. 🫡

#attyg 
#floodcontrolcorruption 
#neveragain
#photocredittotherightfulowner

No comments: