Uy thanks ha, akala namin kasi charity…
kasi sa totoo lang, kami ‘yung parang nagcha-charity sa inyo.
Buwan-buwan kaming nagbibigay, pero pag kami kailangan—
“Wait lang po, processing… incomplete requirements… balik ka next month…”
Sarap noh?
Tapos may magmamarunong pa ng:
“HINDI KA OBLIGADONG MAG-LOAN.”
Oo, hindi nga kami obligadong mag-loan.
Pero obligado kaming maghulog hanggang may pulso kami.
Ganda ng deal.
Sana all may kliyenteng wala namang choice kundi magbayad.
And the best part?
Kapag nag-claim ka ng benepisyo na taon-taon mong binabayaran:
SSS: “Oops, we’re not a charity.”
Pero pag late ka ng hulog:
SSS: “Hi! Penalty po agad. ☺️”
So explain nyo lang—
kung hindi kayo charity,
at hindi kayo mabilis magbigay ng security,
at hindi rin kayo flexible sa mga nagbabayad…
Ano kayo?
A savings account?
A bank?
A raffle entry?
A decorative deduction sa payslip?
Kasi until now, parang kami lang ‘yung nagbibigay.
Kayo, “security system” sa pangalan lang.

No comments:
Post a Comment