Monday, October 26, 2020

Atay mahalim mo.

 ANG ATAY AT MGA TANDA NG PROBLEMA NG ATING ATAY


PAGTIYAGAANG BASAHIN MAHABA HABA ITO 


Ang atay ang pangalawa sa pinakamalaking organ sa katawan at ito ay responsable sa ilang mahahalaga at komplikadong paggana sa katawan kabilang na ang pag-aalis ng mga lason sa katawan (gaya ng alak), pagkokontrol sa lebel ng kolesterol sa katawan, paglalabas ng mga likido na makatutulong sa pagtunaw ng pagkain, at paglaban sa mga impeksyon at sakit. Kung wala ang atay, tiyak na manghihina ang katawan.


Sa kasamaang palad, ang atay ay isa rin sa mga pinaka naaabusong organ sa katawan. Ang sobrang pag-inom ng alak ay isang paraan ng pag-aabuso sa atay na sa kalaunan, ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng mga problema sa atay mula sa mga simpleng karamdaman dito hanggang sa pagkasira mismo ng atay o liver cirrhosis. Narito ang 10 senyales ng pagkakaroon ng problema sa atay.


1. Paninilaw ng balat at mata (jaundice)

Isa sa mga pangunahing sintomas ng pagkakaroon ng problema sa atay ay ang jaundice o ang paninilaw ng kutis at puti ng mata. Ang paninilaw na ito ay dulot ng pagtaas ng lebel ng bilirubin sa dugo na kadalasang nagmumula sa atay na dumadanas ng sakit.


2. Pananakit ng tiyan

Makararamdam din ng pananakit sa tiyan kung sakaling magkaroong ng karamdaman sa atay. Ang mga posibleng dahilan nito ay ang pagkakaroon ng pamamaga sa atay, pagtubo ng mga cyst o bukol, o kaya pagkasira mismo ng laman ng atay.


3. Paglaki ng tiyan

Ang paglaki ng tiyan ay dulot ng namamagang atay dahil sa karamdaman. Ang paglaki sa tiyan ay matigas at nakaumbok na parang bukol.


4. Pamamanas ng mga paa at binti

Ang pamamanas sa mga binti at paa ay dulot ng naiipong likido sa labas ng mga cell dahil sa kondisyon ng fibrosis sa atay. Ito ay karaniwang kaganapan sa pagkakaroon ng kondisyon atay.


5. Pag-ihi na kulay tsaa

Isa rin sa mga pangunahing senyales ng pagkakaroon ng problema sa atay ay ang pagkakaroon ng ihi na kulay tsaa. Ang ganitong sitwasyon ay nangangailangan ng agarang etensyong medikal.


6. Maputlang pagdumi o may kasamang dugo

Bukod sa pagkukulay tsaa ng ihi, ang dumi ng taong may karamdaman sa atay ay maaring magkaroon ng maputlang kulay at minsan pa, may kasamang dugo. Nangangailangan din ng agarang atensyong medikal ang ganitong kondisyon


7. Pagliliyo at pagsusuka

Dahil sa pagkasira ng atay, maaapektohan din ang kakayanan nito na maglabas ng mga likido na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain partikular ang mga taba. At kaugnay ng hindi pagtunaw sa mga taba, maaring mapadalas ang pakiramdam ng pagsusuka at pagliliyo.


8. Kawalan ng gana sa pagkain

Dahil pa rin sa pagpalya ng atay na makatulong sa pagtunaw ng mga kinakain, maaaring mawalan ng gana sa pagkain ang taong mayroong dinaramdam na sakit sa atay.


9. Madaling pagpapasa sa balat

Ang pagkakaroon ng mga pasa sa balat ay dulot din ng fibrosis sa atay na karaniwang nararanasan sa pagkakaroon ng karamdaman dito.


10. Madaling pagkapagod

Ang mabilis na pagkapagod ay maaaring senyales din ng pagkakaroon ng kondisyon sa atay. Ang maaaring dahilan nito ay ang paghina ng atay at pagpalya nito sa pagaalis ng mga nakalalasong substansya sa dugo. Ang presensya ng mga ‘di kanais-nais na substansya ang siyang nagdudulot ng mabilis na pagkapagod.


SIMPLENG PAMAMARAAN PARA SA LIVER PROBLEM: HEPA, LIVER CIRRHOSIS, DETOXIFY LIVER, REVERSE FATTY LIVER, and TREAT LIVER CANCER


(A) DAHON NG PAPAYA:

-3 murang dahon ng papaya, dikdikin ng maigi, katasin at inumin yung katas. Uminom dalawang beses sa isang araw sa loob ng isang linggo. At isang beses nalang uminom sa susunod pa na linggo.


Or pede ring pakuloan:

(B) 4-5 murang dahon ng papaya, pakuloan sa 2L tubig in 3 to 5 mins. Inumin yung kayang inumin.

(Ang papaya ay merong calcium, magnesium, potassium, manganese, sodium at iron , makakatulong sa nanghihinang atay dahil ang atay natin ay compose of iron. Ang papain properties nito ay makakatulong sa paninilaw sanhi ng liver dysfunction at makakatulong sa pagtaas ng glucose ng katawan.


(C) LUYANG DILAW/TURMERIC

-magpakulo ng 1gm ng luyang dilaw sa dalawang basong tubig pakuloan in 3mins. Hatiin sa dalawang inuman at inumin isang baso sa umaga at isa sa gabi. Lahat ng to inumin ng wala pang laman ang tiyan. Yung luyang dilaw mayaman din sa iron at promoter din ng healthy liver. Makakatulong sa panibagong growth ng tissues sa atay natin at nire repair din ang damaged cells at tissues. Uminom dalawang beses sa isang araw.

**minimum intake per day:

~2gms fresh root

~4gms powdered turmeric 

(Pwdeng mag increase ng iinumin after a week maximum of 4gms fresh root at 6gms powdered turmeric)


-LIVER DETOXIFICATION-

Magdikdik or maglagay sa blender ng mga buto ng papaya para makakuha ng 1 kutsara ng juice. kumuha ng isang buong kalamansi at ihalo ang kalamansi juice sa katas ng buto ng papaya. Uminom 1 to 2 beses sa isang araw sa loob ng isang buwan.


(Mamili lang sa A B C kasabay ang pag detox

CCTO

Fatty  / weak / liver serosis 

1.) Kuha po kau isang pirasong carrot kung maliit, at kung malaki man ang nabili mo do bali kalahati lang gamitin mo, at isang pirasong apple (red or green) hugasan,sliced them at huwag alisin ang balat,ilagay sa blender add 1/4 glass of water din inumin bago mag almusal,do this twice a day for a month or more

2.) Bili ka nang celery, isang tangkay kasama ang dahon,hugasan at putolputolin na di gaano kaliit,ilagay sa blender add 1/4 glass of water at 2tbsp honey,blend together tsaka inumin bago mag almusal, do this twice a day 

3.) Mag blend hinog na papaya kasama ang buto nito (dikdikin muna ang buto, at least 7-8 na buto)inumin bago kumain do this 3x daily

4. Kumuha ng 5 dahon ng takip kuhol hugasan at pakuloan sa 2 basong tubig in 5-10 minuto, inumin before meal gawing tsaa, once a day lang gagawin

5.  Liver stone flushing

A.) 6am almusal isang basong apple juice dapat pure at organic or kng may juicer kau masmaganda 

B.) 9am isang basong apple juice ulit 

C.)12 noon isang basong apple juice 

D.)2pm huling paginom ng apple juice -

E.)6pm uminom ng isang basong tubig na maligamgam may 1tsp EPSOM SALT nabibili yan sa mercury drugs 

F.)isang tasang EXTRA VIRGIN OLIVE OIL ORGANIC nabibili din yan sa mga supermaket at isang tasang lemon juice or kalamansi juice na puro din at paghaloin mabuti ang olive oil at lemon juice 

g.)7pm inumin yung lemon juice at olive oil pero dapat pakunti-kuniti lng wag biglaan at ang pagimon nito kada 15 minuto hanggang sa maubos at nakahiga ng nakatagilid sa kanang bahagi at wag ng bumangon.

6. 1basong fresh malunggay leaves pakuloan sa 1basong tubig, inumin ang sabaw at kainin ang dahon,gawin isang bisis lang sa isang araw,daily


(Mamili lang sa nakalista)

Doc LUTHER DAGUIMOL

No comments: