Mga pagkaing pampatulog!
Para maging malusog ang ating katawan, kailangan natin ng sapat na tulog.
Heto ang mga pagkaing maktutulong sa ating pagtulog:
1. Saging - ang saging ay may tryptophan at carbohydrates na makatutulong sa paggawa ng serotonin. Ang serotonin ay nagpapa-relaks sa atin. Nababawasan din ang stress.
2. Kaunti lang ang kainin - kumain lang ng kaunting kanin, gulay at isda. May kasabihan na "No food intake after 6:00pm of 7:00pm." Tama po ito. Gusto nating matunaw maigi ang pagkain bago kayo matulog. Mababawasa din ang sintomas ng hyperacidity at GERD (Gastro-esophageal Reflux Disease.).
3. Kamote - Ang kamote ay may masustansyang "complex carbohydrates". Hindi ito gaanong nagpapataas ng asukal sa dugo. Mayaman din ito sa fiber, vitains B6, C and E, folate and potassium.
4. Oatmeal at Cereals - sa gabi pwede naman hindi magkanin paminsan-minsan. Subukan ang 1 bowl ng oatmeal o cereals sa hapunan. Ang oatmeal ay may vitamin B6 at melatonin na makakatulong sa pagtulog mo. Pwede mong lagyan ng saging at gatas na masustansya rin.
5. Gatas - Tamo po ba ang pag-inom ng gatas para makatulog? Tama po. May basehan ito dahil ang gatas ay may tryptophan. Ang tryptophan ay nagiging serotonin sa katawan at ito ang nagpapasaya at nagpaparelaks sa atin. Mas mabilis ka pang aantukin.
6. Chamomile Tea - ang mainit na chamomile tea ay mabisang pampatulog. Mabuti ito sa tiyan, pinaparelaks ang stomach muscles, at may amoy na nagpapakalma narin.
Ang tip sa lahat, pagkatapos kumain sa gabi, maglakad-lakad muna ng 10-15 minuto. Ito ay para matulungan ang katawan sa pagtunaw ng ating kinain. Makaiiwas ka pa sa sakit tulad ng bangungot syndrome at mas hihimbing ang iyong pagtulog.
No comments:
Post a Comment