Mahalagang Payo
Pag kayo ay kailangan lumabas ng bahay siguruhin na pagkauwi niyo ang unang gawin ay itapon ang face mask kung disposable ito at kung reusable cloth naman ang gamit ibabad agad sa tamang lalagyan na may disinfectant o maski sabon lang. Maghugas agad ng mga kamay at magmumog ng warm water with rock salt ng 1-2 minutes (isang basong warm water lagyan ng isang kutsaritang asin) at mag-steam inhalation gamit ang kumukulong tubig na may asin for 3-5 minutes. Ingatan wag mapaso, ipikit mga mata at gawin ito hygienically. Kung gumamit ng tissue paper siguruhin itapon ito ng maigi.
Hindi po gamot sa covid yan kundi pang-iwas at proteksyon sa inyo at kasamahan sa bahay kung sakaling may mga virus o bacteria na nadala niyo sa bahay. Maski paano may ginawa tayong panangga.
Unuulit ko po na hindi po gamot sa covid yan baka may magsabing fake news yan. Hindi naman tayo eng-eng para sabihin gamot yan. 😊
Safe po yan at wala pa akong alam na namatay dahil sa pagmumog at pagsinghot ng steam mula sa mainit na tubig na may asin.
Gawin niyo po para sa sarili at sa kasamahan niyo sa bahay.
Ignore this post kung di kayo naniniwala.
Freedom of choice.
Palakasin immune system.
1. Kumain ng madaming prutas at gulay
2. Mag ehersiyo.
3. Alisin mga bisyo.
4. Matulog ng maaga.
5. Think positive.
6. Avoid stress.
7. Uminum ng madaming tubig.
8. Magpa-araw sa umaga.
9. Talk to friends.
Sa mga pwedeng supplements:
1. Nashare ko na po yung Tawa Tawa, Malunggay & Kamias dried leaves.
2. Mag Vitamin C, Vitamin D at Zinc.
3. Probiotics (Biopro 19 Strains Powder)
4. Skim Milk w/ Colostrum (IgCo)
5. At madami pang iba.
TANDAAN:
Ang impormasyon na nakapaloob dito sa Gabay sa Kalusugan - Pahina ng Kalusugan ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon at hindi kapalit ng payo, diagnosis o paggamot ng isang lisensiyadong manggagamot. Dapat kang humingi ng mabilis na pangangalagang medikal para sa anumang mga isyu sa kalusugan. Bisitahin ang iyong doktor. Salamat po.
Please like & follow Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy page.
https://www.facebook.com/drgarysy/
No comments:
Post a Comment