Friday, October 09, 2020

No to Shaming.

 Bakit kailangang ipost kapag may nakitang mali sa learning module? Kung may correction, pwedeng sabihin sa teacher. Pero hindi, kultura ng nasobrahan sa pagka-woke, naging famewhore. Ipopost pa talaga, habang nagtatago sa 'concern lang ako' o kaya 'dapat itong itama', pero ang totoo, sugapa ka lang sa likes at haha reacts para magkaroon ng konting sigla ang malumbay mong buhay. Yung iba, wala ng euphemisms, talagang tatawanan sabay share na may kasama pang feeling intelligent na caption. Nun bang 'in-te-li-gent' ang basa mo sa 'in-te-li-jent' pinagtawanan ka ba ng teacher mo? Nagkaroon lang ng konting alam, ginagamit mo na laban sa mga taong nasa likod bakit nabusog ang isip mo ngayon.


Hindi mo ba naisip na sa likod ng bawat mali ay baka may isang puyat na guro na inihabol ang learning modules para lang may mapag-aralan ang kapatid mo, ang anak mo, o ikaw mismo? Na baka may isang guro na inabot ng madaling araw para lang matapos ang pagphotocopy at ng magkaroon kayo ng 1:1 na kopya.


Pag-unawa. Pag-intindi. Pagpapakatao. Nakakalungkot at hindi buo itong kayang ituro ng mga modules gaano man ito paghirapan ng mga guro ninyo. Kaya kung pagtawanan ninyo sa bawat maling nailimbag, o lokohin sa zoom meetings, o bastusin ng ganun ganun na lamang ang guro, walang pakundangan.


Ang kabutihang asal ay nakikita sa pinakamahihirap na sandali ng buhay. Tanggapin na natin na hindi ito madali sa atin. Kauna unahan ito sa kasaysayan ng edukasyon sa bansa. Perfect ba dapat agad? Lahat tayo ay nahihirapan. Hindi ba't tama lang na wag na nating pabigatin pa lalo ang nararamdaman ng bawat isa at bagkus ay magtulungan na lamang, yakapin ang mga nanghihina, at palakasin ang bawat isa?


Kung sa bawat pagkakamali ng mga pagod ng guro ay pagtawa at paglibak ang ibibigay natin, darating ang araw, lilingunin natin ang isang bansang mangmang at walang alam dahil wala ng mga gurong gumagabay sa mga tao nito. 


Sapat na ba ang likes na natanggap mo, para ipahiya ang mga taong unang tumutok sa pormal na pag-unlad mo? 


#cttoRepost

#NotoTeacherShaming #AngMgaGuroAyTaoRin

No comments: