#Dr. Luther 👨⚕️⚠️⚠️⚠️⚠️⚠️⚠️☝️🤙💪👌👍👏
ANO BA ANG BEKE?
Ang beke (mumps) ay isang nakakahawang sakit na nakakaapekto sa mga glandulang parotid, isa sa tatlong pares ng glandula ng laway, na matatagpuan sa ilalim at harapan ng tainga. Dahil sa mumps virus, ang virus na dahilan ng beke, ang glandulang parotid ay namamaga.
Sintomas
1. Namamaga at nananakit na mga glandula ng laway
2. Masakit o mahirap lumunok at ngumuya
3. Lagnat
4. Panghihina at pananamlay
5. Pananakit ng ulo at kalamnan
6. Pagkawala ng gana kumain
Ang sanhi ng beke ay ang mumps virus, na madaling nakakahawa sa pamamagitan ng laway. Kapag ang isang tao ay hindi protektado laban sa mumps virus, madali itong magkaroon ng beke kapag siya ay nakalanghap ng maliliit na tilamsik ng laway mula sa isang tao na may beke kapag ito ay umubo o bumahing. Maaari ring mahawaan ng beke ang taong hindi protektado sa mumps virus kapag siya ay nakigamit ng kubertos o nakiinom sa baso ng isang taong may beke.
Mga kumplikasyon
Ang mga kumplikasyon ng beke ay napakadalang ngunit maaring napakalubha.
1. Orchitis - Ang orchitis ay ang pamamaga ng bayag ng lalaki. Ito ay napakasakit at maaari ring makabaog.
2. Pancreatitis - Ang pancreatitis ay ang pamamaga ng lapay. Ang ilan sa mga palatandaan at sintomas ng pancreatitis ay ang pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka.
3. Encephalitis - Kagaya ng beke, ang encephalitis ay sanhi din ng virus. Ito ay ang pamamaga ng utak na maaaring makapagdulot ng samu’t saring sakit sa sistemang nerbyos at maaari ring makamatay.
4. Meningitis - Ang meningitis ay ang pamamaga at impeksyon ng mga membrane at ng mga likido ng utak at gulugod. Magkakaroon ng meningitis ang isang taong may beke kapag nakapasok sa dugo ang mumps virus at maapektuhan ang buong sistemang nerbyos.
5. Pamamaga ng mga obaryo - Ang madalas na sintomas nito ay ang pananakit ng puson.
6. Pagkabingi - Ang beke ay maaaring makapagdulot ng panghabambuhay na pagkabingi sa isa o sa parehong tainga.
7. Pagkalaglag ng sanggol - Ang mga buntis na may beke, lalo na sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis, ay maaaring makunan o malaglag sa sinapupunan.
Para mawala ang pamamaga:
1. i-cold compress ang beke
2. Dikdikin ang dahon ng katakataka at itapal
3. Dahon ng makahiya or dahon ng kantutay ,durugin at ipahid ang katas
4. Bunga ng kamias durugin at ipahid ang katas
(Mamili sa nakalista)
Dapat magpahinga ang taong may beke sa higaan hanggang mawala ang beke at ang lagnat nito.
No comments:
Post a Comment