Monday, October 26, 2020

Pagkain para sa utak.

 Pagkain sa Utak at Memorya

Payo ni Doc Willie Ong


1. Matatabang isda, mani at olive oil.

Ang pagkain ng matatabang isda gaya ng sardinas, tuna, tamban, mackerel at salmon ay maaaring mapanatili ang ating memorya. Ang omega-3 fatty acids ay matatagpuan sa matatabang isda.


2. Berdeng gulay, broccoli, kangkong, spinach, kamote, strawberry at iba pang pagkain na mayaman sa Vitamin C at E.

Ang mga pagkain na naglalaman ng antioxidant ay makatutulong sa paglaban sa free radicals na maaaring sumira sa ating utak. Natuklasan na ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at Vitamin E ay posibleng mabawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.


3. Pagkaing mataas sa flavonoids tulad ng tea, mansanas, orange, suha, repolyo, bawang, sibuyas, kamatis, peas at beans.

Natuklasan sa isang pag-aaral na ang pag-kain ng prutas at gulay ay makababawas sa pagkasira ng utak at pagka-ulyanin.


4. Curry powder at turmeric.

Isang pangunahing sangkap ng curry powder ay turmeric na naglalaman ng curcumin. Sa pag-aaral, natuklasan na ang curcumin ay isang mabisang anti-oxidant at anti-inflammatory. May pag-aaral na nagsasabi na posibleng mas gumana ang utak kapag madalas kumain nito.


Tandaan: Bawasan ang mga pagkaing mataas sa saturated fat, trans fat at cholesterol tulad ng taba ng karne, margarine at processed foods. Ang mga pagkaing mayaman sa asukal ay maaaring makadagdag sa panganib ng type 2 diabetes, isang kondisyon na maaaring magpalaki ng apat na beses ng panganib sa sakit na Alzheimer’s disease.

No comments: