Thursday, October 29, 2020

Strength needed.

 Magkkwento muna ako sa inyo, sana makuhanan nyo ng kalakasan.


✨Gumawa ka ng Charity, bash...

-Sabi ng iba sakin, “Sobrang yaman mo na ba at gumagawa ka ng charity.” But thank God, never ako nagipit dahil gumawa ako ng mga charity. Pride and proud kami sa Traders Empire na nagawa namin yan. All by His grace...


✨Gumawa ka ng give away money, bash...

-Yun time ng sobrang nagulat ang lahat sa pandemic at sakto ang laki ng blessings sakin because of $MM.


Sabi nman nila, “Gimik na nman yan.” Mapapakamot ulo ka talaga, malaking pera na yun ibinigay ko weekly, then paano kaya sya naging gimik.


Dahil yun fb ko daw mababayaran, para sa monetization ko daw yun, pansarili daw iniisip ko. Sobra ako natawa talaga na ganun magisip yun iba, kasi dito po sa Ukraine walang Fb Monetization.


✨Magsulat ka ng book, bash...

-Ano masama magsulat ng book, hindi mo nman pinipilit bumili ang tao. Truth is mahirap magsulat ng libro. Ang kasayahan ko na lng ay ang dami nagmmessage sa akin na sobrang nainspired daw sila sa book at madami daw sila natutuhan. Walang kwenta lahat ng bash dahil sa mga message nyo sakin, sobrang sumaya ang puso ko na nareach out ko kayo by the book. ❤️❤️


✨Mag Mentorship ka, bash... 

-Kung mapapansin nyo ang tagal ko ng hindi nagoopen ng Mentorship, sa tutuo lng ang hirap magturo... Yun responsibility nya hindi madali, yun non stop ka magexplain at yun kailangan lagi kang nandyan.


Truth is sobrang dami nagaask ng Mentorship. Puro ako next month, matatapos na taon. Pasensya na, nagiipon lng po ako ulit ng lakas. ☺️☺️


✨Magpost ka ng port, bash...

-Nagppost ako ng port for Inspiration, para sa mga gusto makita average ng Entry and Exit. Para malaman ng iba na pwede magtrade ng ganun style. And ever since ganyan na ako 😅, atleast hindi edited, tutuo na nangyari ang trade. 


✨Magpost ka ng picture mo, bash... 

-Pero panay follow at tingin sa mga post ko, why not simply block and unfollow me. Para hindi na kayo mainis, for your own health. Para sa ikagaganda ng puso at isipan nyo, hindi yun lagi kayo nakatingin at naiinis sakin 😁😁


At sa 6 years mahigit ko ng nandito, eto mga natutunan ko.


1)You cannot please everybody because if you do, you will instantly fail and hurt yourself. You will get easily discourage. 


2)Simply do anything because this is what you love, this is your passion. Dahil eto yun leading sayo at nandito ang puso mo. ♥️♥️


3)Truth is, they can made you stronger. They made me realize na “Ayos lng yan..” na hindi kailangan umayon sayo ang lahat at hindi kailangan magustuhan ka ng lahat. 


4)They also keep you grounded, para hindi ka maging mataas at matuto kang magpakumbaba. They keep your feet on the ground. 


5)For your awareness, para maging maingat and more responsible ka. Yun tutuo, nababalanse ka din nila. Always look at the Brighter side. 


♦️And Im sharing this not to argue or fight. Gusto ko maintindihan at mabasa ito ng mga susunod sakin, next generation, mga aspiring trader at mga taong dumadaan sa ganitong sitwasyon. 


Sa lahat ng bagay na gagawin mo, once your intention is pure, the Universe/God will bless it and never forsake you. He will give you the courage to continue and fight the good fight of faith. 🙏🙏


Sana mainspired kita at mapalakas ang loob. 

At para hindi ako maout of track, tinaasan ko na din Goal ko. Sabi ko sa Kanya, 


♦️I WILL MAKE YOU PROUD... 


_____________________


Guillen Rocher

No comments: