The 1 Million Goal... πΈπΈ
Magingat ka sa mga sinasabihan mo ng pangarap. Dahil hindi lahat susuportahan ka at hindi lahat matutuwa sayo.
Naalala ko dati nun Ofw pa ako may nakasulat sa laptop ko na Goal. Nakalagay dun, "1 Million Goal". πΈπΈ
Pero kapag nakikita yun ng iba parang nahihiya ako, kasi sinasabihan nila ako ng, "Ano yan, woww 1 Million. Balatuhan mo na lng kami pag nakuha mo na..."
Siguro binibiro lng nila ako tuwing nagssmirk sila. Siguro akala nila imposible para sa ofw na sumasahod ng $500 a month. Marahil hindi nila nakikita yun nakikita ko, na walang imposible kung magpupursige ka. Na kahit mahirap at simpleng tao pwedeng mangarap at pwede yun magkatutuo...
Pero sabi ko sa sarili ko, "Hayaan mo na kahit matawa sila. Basta dyan lng yan sa harap ng laptop para meron ako palaging reminder. Matutupad din ang mga to"...
Awa ng Diyos matagal ko ng nakuha ang Goal na ito ππ, hanggang sa maging full time trader at makuha ang higit pa sa inaasahan ko. At alam ko na mula sa malayo ay nakatingin sila sakin, sa paraan at daan na nilakaran ko.
Isa ito sa mga kwento na bahagi ng kung ano ako ngayon. Kwento na sana maging kalakasan mo. Ituloy mo lang, magpursige at magsipag ka. Magtiwala ka sa sarili mo at humingi ng gabay dun sa nasa itaas.
Balang araw darating ka din sa mga pangarap at gusto mong puntahan. At pag nandun ka na, wag mong kakalimutan lumingon sa pinanggalingan mo. Magpasalamat at ibahagi mo din sa iba ang inspirasyon na kukuhanan nila ng kalakasan. Kwento upang malaman nila na lahat ng ito ay hindi madali, ngunit posibleng mangyari. Ituloy mo lang...ππ
______________
Guillen Rocher
No comments:
Post a Comment