Effects of Stress
Nagtataka ba kayo bakit naglalagas buhok niyo?
Lagi na lang ba masakit ang batok, balikat at likod na umaabot hanggang ulo?
Naranasan niyo ba na parang lutang o hilo na may kasamang hirap makapag-isip o concentrate?
Bakit madalas humilab ang sikmura pero kumakain naman sa oras?
Napansin niyo ba na nanunuyo ang balat at may lumalabas na parang kaliskis?
Bigla na lang ba kayo nahihirapan matulog at dumalas ang pag sakit na ulo na may kasamang nerbiyos at kalungkutan?
Nanunuyo ba ang lalamunan at nagkasingaw?
Tumataas ba blood pressure niyo at mabigat ang dibdib?
Hirap ka bang huminga parang kinakapos?
Nagbago ba buwanang dalaw niyo o parang humina at tumigil?
Madalas bang makati ang pwerta na may parang lumalabas na kesong puti o paulit-ulit na UTI?
Ayaw daw tumayo ni barangay chairman sabi ni manong o madaling labasan ay posible palang...
Yan po ang ilan sa mga pwedeng maranasan ng isang taong nasobrahan sa mga stress o bwiset sa buhay. 😊
Meron ba kayong ganyang experience?
No comments:
Post a Comment