After watching this afternoon's hearing may dalawang statements na nagpalungkot sa akin:
1. 100% of the bidding are rigged
2. Lahat ng project sub-standard
Bilang auditor, napakaraming ulit na naming naging finding ang simulated or rigged bidding or yung kung tawagin nila ay biding-bidingan.
Ano ang resulta pagdating sa korte? Karamihan, dismissed!
Ipapasok ko sa usapan yung nabanggit ni Atty Fortun, yung circumstancial evidence.
Kahit hindi abogado, napag-aralan namin yan.
Una, susubukan naming tingnan ng mga dates
-merong nauna pa yung Notice of Award sa Invitation to Bid.
-o kaya sa minutes of bidding, may mga hindi tugmang dates.
-minsan, merong yung date of bidding ay huli sa date ng acceptance ng contractor nung notice na nanalo sya (Notice of award)
May ilan ding mas masusing pag-reresearch:
May confirm kami sa Securities and Exchange Commission para makuha yung listahan ng mga nag-mamay-ari ng kompanya.
Makikita minsan yung parehas ang Treasurer ng mga bidding companies
Merong magka parehas ang address either ng factory o ng main office
Meron ding bigla kaming dadalaw sa mga offices at display center or showroom nung mga bidders at makikita na parehas ang kanilang oisina
Nakakatawa nga, may isang kompanya na kurtina lang ang nagdala. Sa isang bahagi ng sala ay construction supplies, sa kabila ng kurtina ay medical supplies at sa bandang likuran naman, pag hinawi ang kurtina, ay office supplies
Sayang ang lahat ng hirap...
Siguro naawa ang Diyos, biglang sa isang hearing, pinatunayan ang lahat ng aming pinagsisikapang patunayan sa aming audit reports.
Yun lang, ang hearing. na naganap ay for legislative purposes only. Yung makatulong sa paghahanap ng kailangang batas at hindi kagaya sa korte kung saan determination of guilt ang pinaguusapan.
Punta tayo sa pangalawang punto, yung lahat ay sub-standard.
Nakakatakot, paano kaya kung lumindol? Yung hindi nga lumindol ay gumuguho yung tulay, etc.
Lalo na kung iisipin natin na lahat ng school buildings ay under ng DPWH yung construction.
Bukas may paparating na namang bagyo, at habang naghahanda ang karamihan sa mamamayan, hindi humuhupa ang kaba, ang galit at ang pagtatanong, saan nga ba magtatapos ang lahat ng ito?
P.S.
Hindi ako sumasawsaw lang, hindi nagpapaka-relevant, patuloy akong humahanap kung paano gigisingin ang kamalayan ng bawat mamamayan na hingan ng pananagutan ang mga nagsamantala sa tiwala ng mamamayan.
Pamilyar ang mga lumalabas na pangalan. Ilan sa kanila, paulit ulit na naging sentro ng aming mga audit. Pero nakakalusot at nakakalusot at nananalo pa rin sila sa halalan.
Money talks, sabi nila at hanggang ang pera ang itinuturing na makapangyarihan ng karamihan, patuloy tayong babahain ng katiwalian.
Sana may magtanong kahit na minsan lang...
Ano ang nagtulak sa kanilang gawin ang lahat ng ito?
No comments:
Post a Comment