Saturday, September 20, 2025

Joie

Joie, kahit hindi ka CPA, halata na wala kang kahit basic na grasp ng auditing at accountability. Una sa lahat, huwag mong ipaghalo ang cash inflows/outflows sa ending balances. Ang trabaho ng kahit sinong marunong sa finance ay hindi gawing tsismis ang gross movement, kundi i-reconcile ito laban sa supporting documents, ledger entries, at disclosures sa SALN. Ang issue sa Corona case ay hindi kung magkano ang dumaan sa account, kundi kung bakit hindi na-declare ang existing assets at foreign currency deposits. Iyan ay malinaw na paglabag sa Section 8 ng Republic Act 6713, ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, na nag-aatas ng full and truthful disclosure ng assets, liabilities, at net worth. Kung hindi mo gets ito, ibig sabihin wala kang alam sa pinakapundasyon ng transparency law.

Pangalawa, huwag mong gawing excuse na “80M lang pala at $2.4M ang assets.” Kahit piso lang iyan kung hindi declared, mali pa rin. Ang underdeclaration ay material misstatement, dahil ang standard sa auditing at governance ay hindi lang magnitude kundi impact sa public trust. Sa corporate world, kapag nahuli kang hindi nag-declare ng kahit maliit na halaga na material sa users of financial statements, automatic na may liability ka. Kung ang Chief Justice mismo ang lumabag, mas malala. Pero ikaw, Joie, ipinipilit mong maliit lang. Parang estudyanteng nahuli nang kopya at nagmakaawang konti lang naman. Hindi ganoon ang standards ng public service.

Pangatlo, mali ang pagkakaintindi mo sa “slander to death.” Ang impeachment ay political process, hindi criminal conviction. Article XI, Section 2 ng Konstitusyon mismo ang nagsasabing pwedeng ma-impeach ang Chief Justice para sa betrayal of public trust, at hindi kinakailangan na may kasong kriminal. Ang ebidensya ng undisclosed assets ay ginamit ng Senado para i-evaluate ang fitness ni Corona, at iyon ang proseso. Hindi si Heidi ang nag-convict kundi Senado. Ang trabaho ni Heidi ay i-present ang audit trail, hindi maghatol. Kung may kahit konting respeto ka sa proseso, alam mong walang auditor o whistleblower ang may kapangyarihang magpataw ng parusa.

At higit sa lahat, hindi haka-haka ang testimony ni Heidi. Ayon sa PCIJ report at sa mismong AMLC data, a total of $28.7M ang deposits at $30M ang withdrawals sa 82 dollar accounts ni Corona mula 2003 hanggang 2011. Iyan ay galing sa 423 documented transactions na captured ng AMLC. Hindi ito fabricated math o maling bilang. Ang mismong paliwanag ni Heidi: mas malaki ang withdrawals kaysa deposits dahil walang starting balance record, na ibig sabihin malakas ang posibilidad na “heavy” na ang accounts bago pa sinimulan ng AMLC ang tracking. Kahit sinong auditor alam na kapag mas malaki ang galaw ng pera kaysa sa opisyal na declared na yaman, automatic red flag iyon.

Kahit ordinaryong analogy malinaw: kung may laman ang bank account mo na P7,000 pero may deposits ka na P1M at withdrawals na P1.2M sa loob ng isang buwan, hindi ba questionable iyon? Kahit hindi accountant, kahit estudyante pa lang, gets na gets na may valid case. Ang trabaho ng auditor ay itanong: saan galing ang deposits at saan napunta ang withdrawals? Hindi puwedeng dedmahin. Kaya tigilan ang pagsasabi na “walang basehan” ang findings. May basehan, official AMLC records mismo.

At panghuli, huwag mong gawing martyrdom ang narrative. Oo, later on na-acquit siya sa ibang kaso, pero hindi nito binubura ang fact na may undisclosed accounts siya. Hindi ito hearsay. Nasa official records ito ng impeachment trial at na-acknowledge mismo ni Corona na hindi niya dineklara ang dollar deposits niya, gamit ang palusot ng Foreign Currency Deposit Act. Ang problema, ang batas na iyon ay hindi blanket excuse para itago ang assets sa SALN.

Kung ako tatanungin, oo, overkill ang naging parusa sa kanya. Rectifiable ang SALN issue at hindi ito high crime para sa iba. Pero magkaiba ang pag-question sa proportion ng parusa at ang pagbabaluktot ng basic principles ng transparency. Ang mali ay mali, at iyon ang dapat nating kilalanin.

Ngayon, eto ang pinakamalaking butas sa iyo, Joie. Pinagtatanggol mo si Imee Marcos. Isa siyang produkto ng pinaka-corrupt na dynasty sa bansa. Hindi mo ba alam na binanggit siya mismo sa kaso ni Archimedes Trajano noong 1977, isang estudyanteng pinatay matapos siyang tanungin sa isang forum tungkol sa kanyang kwalipikasyon? Noong 1993, isang Hawaii court found Imee and others civilly liable sa wrongful death ni Trajano at inutusan silang magbayad ng $4.4M in damages. Dagdag pa, siya ang reyna ng premature campaigning at ginamit ang posisyon para magpalabas ng mga campaign ads at roadshows bago pa man ang opisyal na campaign period. Sa COA reports, paulit-ulit ding tinukoy ang Ilocos Norte projects sa ilalim niya na overpriced o walang sapat na dokumento.

Kung audit lang ang basehan, bagsak ang Marcos family. Nakalista sila sa mga ill-gotten wealth cases na umabot ng halos $10B ayon sa PCGG, at kahit hanggang ngayon, maraming cases ang pending pa. At ikaw, Joie, tumatayong tagapagtanggol nila? Para kang mascot ng katiwalian, ipinagmamalaki mo pa na sidekick ka ng isang dynasty na binansagan ng buong mundo bilang simbolo ng kleptocracy.

Kaya bago ka magmalinis laban kay Heidi, siguraduhin mong hindi basura ang depensa mong ipinaglalaban. Dahil kung si Imee Marcos ang reference mo ng integridad, talo ka na sa simula. Ang ipinagtatanggol mo ay hindi transparency kundi kahihiyan. At ikaw mismo, Joie, nagmumukhang inutil na cheerleader ng kurapsyon na walang alam sa batas, walang alam sa accounting, at walang hiya sa bayan.

The fact is si Heidi, milyones ang naibalik sa kaban ng bayan dahil sa tapang niya laban sa katiwalian. Another fact is ikaw, boba lang na walang ambag kundi satsat.

No comments: