KILALA NYO BA KUNG SINO ANG MGA SENATORS NUNG 8TH CONGRESS (1991) NA GUMAWA AT NAG-APPROVE NG REPUBLIC ACT NO. 6981 ( Witness Protection, Secuirty and Benefit Act)? Heto ilan sa kanila:
Senators Jovito Salonga, Rene Saguisag, Raul Manglapus, Vicente Paterno, Heherson Alvarez, Neptali Gonzales sr. Aquilino Pimentel Jr., Santanina Rasul, Mamintal Tamano at ilan pa.
Matalino sila na lagyan ng Section 5 (d) and (e) ang R.A. No. 6981. Kasi ayon sa Section 5 (d) at (e), bago maprotektahan ang isang state witness, dapat pumasok muna siya sa isang MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA), na kung saan lalagay na tutuparin ng state witness ang "legal obligation" niya at mag-cooperate siya sa reasonable request ng government officials. Tandaan natin, basta naging State Witness ka, inaamin mo na isa ka sa gumawa ng krimen at gusto mo ng kumanpi sa gobyerno bilang isang state witness.
Isang "legal obligation" ayon sa batas ay Articles 22 at 23 ng Civil Code na naguutos ng pagbabalik ng mga pera o bagay na napa-sa-iyo na wala namang justifiable or legal reason. Ito ang doktrina ng pagbabawal sa "unjust enrichment". KAYA, pwede lagay sa MOA --- na isa rin kontrata ---- na sa paglalagda lamang ng MOA , bilang pagtupad sa legal obligation, babalik na ng state-witness ( na kriminal) ang kanyang ninakaw na yaman. Ito ay hindi lang isang reasonable and just request pero makatarungang obligasyon din.
Ang pagbabalik ay hindi "forfeiture". Ito ay simpleng pagsusu-uli ayon sa batas at kontrata. Hindi na kailangan ang court approval dito.
Malaya ang state-witness-criminal na hindi lumagda sa MOA. Paghindi lumagda, simple lang: hindi niya makukuha ang protection ayon sa batas. Kung talagang good faith siya na gustong tulungan ang gobyerno ( kasama na ang pagsa-uli ng ninakaw niya), pipirma siya.
IYAN ANG SAFETY AT PROTECTIVE NET NA nilagay nina Salonga, Saguisag, Manglapus, Paterno at iba pa para masigurado na nasa gobyerno na ang ninakaw na pera bago pa magkaso sa korte. Legal na legal ito.
Kasi, sapagka't kriminal ang pumirma, hindi talaga nakakasigurado na hindi babaligtad o gagawing kulang ang testimony niya sa korte. Kung bumaligtad or sinadyang gawing kulang ang testimony nya, di gaanong damaging sa government financially KASI nasakanila na ang nakaw yaman. Safety na.
Kung Wala nung SECTION 5 (d) and (e), mahihirapan pa ang govt magsampa ng kaso upang magsagawa ng "forfeiture" ng nakaw-yaman at maaaring tumagal pa. Also, pwede rin igiit ng kriminal na ginawa naman niya ang pag-testigo kaya yung benepisyo ng batas ay dapat niyang makamtan. Pagtatalunan pa ito.
SINIGURADO nina Senator Salonga na HINDI MAGUGULANGAN ang gobyerno ng state-witness na kriminal.
Iyan ang wisdom ng Republic Act 6981. Ang galing talaga nina Salonga at kasama niyang senador kasi naisip nila yung Safety Net na iyon sa Section 5 (d) and (e). Ewan ko ba kung bakit hindi ito makita ng ilang mga senador ngayon. No comparison talaga ang talino ng mga senator nung 8th Congress kung ko-compare mo ngayon.
No comments:
Post a Comment