Isa sa mga dahilan ng overheat..
Paano nakakaapekto ang ECT/Temp Sensor..
Ang ECT sensor ang nagrereport sa ECU (engine control unit) ng actual na temperatura ng coolant...
Kung mali ang basa ng sensor (halimbawa stuck sa malamig reading kahit mainit na), hindi bubukas sa tamang oras ang cooling fan, kaya tataas ang init ng makina.
Kapag naman sobrang taas ang maling reading, puwede namang mag-advance o mag-retard ng timing at magbago ang fuel mixture, na nakakaresulta ng abnormal na init.
Mga senyales na sensor-related ang overheating
Cooling fan hindi umiikot kahit mainit na ang makina.
Check engine light (CEL) naka-ilaw; kadalasan may error code tulad ng P0115–P0119 (ECT sensor circuit).
Maling basa sa temperature gauge – minsan mababa o mataas agad kahit kaka-start lang.
Tandaan
Hindi lang sensor ang posibleng sanhi ng overheat. Kadalasan mas mechanical (kulang coolant, may tagas, stuck thermostat, sira water pump, baradong radiator).
Pero kapag electrical/ECU controlled ang fan at mali ang signal ng sensor, puwedeng hindi gumana ang cooling system nang maayos → tuloy-tuloy ang init hanggang mag-overheat.
No comments:
Post a Comment