Saturday, September 27, 2025

Umulan, bumagyo

 📞 “THANK YOU FOR CALLING…”
Umulan, bumagyo, pumapasok ako.
Pero baha kahit saan dahil sa kurakot. 🌊💸

Press 1 – Para sa buwis naming agents na ninanakaw.
Press 2 – Para sa nepo babies na walang alam, pero may pondo.
Press 3 – Para sa flood control na hanggang drawing lang.
Press 0 – Para sa totoong pagbabago.

Bilang isang call center agent, araw-araw kong sinasagot ang tawag ng mga tao na umaasa ng malinaw at mabilis na serbisyo. Sa headset ko, natutunan kong maging mahinahon, magpaliwanag, at magbigay ng solusyon. Ngunit sa labas ng opisina, kapag umuulan at bumabaha, ramdam ko ang bigat ng tanong: Bakit kahit may pondong nakalaan para sa flood control, lubog pa rin tayo?

Ang baha sa Pilipinas ay hindi lamang dulot ng malakas na ulan o bagyo. Ito rin ay resulta ng kapabayaan at korapsyon. Ang bawat pisong nawawala sa maling paggamit ay sana’y nagiging mas matibay na drainage, mas malakas na pumping stations, at maayos na flood warning systems. Sa halip, napupunta ito sa bulsa ng mga tiwaling opisyal. Ang epekto nito ay direktang nararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan: ang estudyanteng nalulubog sa baha para makapasok sa klase, ang tindera na nawawalan ng paninda, at ang pamilyang nawawalan ng tirahan at kabuhayan.

Kaya mahalaga ang edukasyon at partisipasyon ng bawat isa. Hindi sapat ang magreklamo. Kailangan nating kumilos at makiisa para matapos ang maling sistema. Narito ang ilang hakbang:

 1. Maging mapanuri. Alamin kung saan napupunta ang pondo ng bayan. Basahin at unawain ang mga ulat at tanungin ang mga opisyal.
 2. Mag-demand ng transparency. Hilingin ang malinaw na ulat sa mga proyekto at regular na progress reports.
 3. Suportahan ang lider na may integridad. Piliin ang mga kandidatong may malinaw na track record sa paglilingkod.
 4. Protektahan ang katotohanan. Kung may nalalaman tungkol sa katiwalian, tulungan itong mailantad sa tamang paraan.
 5. Mag-organisa sa komunidad. Ang simpleng pagbabantay at pagdodokumento ng mga problema ay malaking tulong sa laban para sa accountability.

This is not just about fighting corruption, it is about fighting for our future. Kapag napigilan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, mas magiging ligtas ang ating mga tahanan at mas magiging maunlad ang ating bansa.

At bilang pagtatapos, hahayaan kong gamitin ang linyang pamilyar sa akin sa trabaho. Pero ngayong araw, hindi na ito basta simpleng paalam. Ito ay panawagan:

“This call has ended. Thank you for calling. Hindi ito bye for now, kundi jail them now. Panagutin ang mga kurakot. Wakasan ang korapsyon. Pilipinas, bumangon tayo.”

No comments: