Monday, September 22, 2025

Corrupt ang tunay na kalaban.

Alam ko, madalas puro kalokohan at good vibes lang mga pinopost ko nitong mga nakaraan. Ginagawa ko ’yon para kahit paano may konting saya sa gitna ng sobrang daming negativity dito sa Pilipinas.

Pero hindi ko rin kayang magbulag-bulagan. Bilang isang taxpayer, bilang isang ama na may anak na dito rin lumalaki, at bilang isang Pilipino, nakakalungkot at nakakasuka ang mga nakikita natin. 

Ilang taon akong nagpapakapagod, tinawag pa nga akong “work lord” noon dahil lahat ng OT at holiday work pinasok ko lalo nung baguhan pa ako sa corporte world para mas makaipon. Ang tatay ko halos buong buhay niya nasa barko imbes na kasama kami para magtrabaho. Kahit may kotse ako, mas pinipili kong magbike papasok dahil sa palpak na transport system at kalye dito sa atin.

Tapos makikita mo na lang, pinangka-Casino at ginagastos lang ng mga nasa posisyon ang buwis na pinaghihirapan natin - ginagawang luho at sariling kasayahan. Nakakagalit. Dapat may managot sa lahat ng ito. At kung sa DPWH pa lang ganito na, paano pa kaya kung iba pang ahensya ang busisiin?

At doon naman sa mga nanggugulong rallyista - wala kayong mapapanalo sa pananakit sa mga pulis. Utos lang ang ginagawa nila. Tandaan: hindi sila ang kalaban. Ang tunay na kalaban nating lahat ay ang mga corrupt na nasa pwesto.



No comments: