Kamanggagawa Partylist
📅 Setyembre 19, 2025
🐍 𝐒𝐀 𝐆𝐎𝐁𝐘𝐄𝐑𝐍𝐎 𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐏𝐎 𝐀𝐓 𝐎𝐋𝐈𝐆𝐀𝐑𝐊𝐎, 𝐁𝐔𝐌𝐀𝐁𝐀𝐇𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐑𝐀𝐏𝐒𝐘𝐎𝐍
🚨 𝗦𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗡𝗔!
Sawang-sawa na ang mga manggagawa't ordinaryong Pilipino sa lantarang korapsyon at sabwatan ng mga trapo at oligarko. Pinagpepyestahan nila ang buwis na pinagpapaguran natin habang tayo ay pahirap nang pahirap ang buhay!
⚖️ 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗥𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡!
Kapag ang isang manggagawa ay napilitang magnakaw ng mangga o lata ng corned beef dahil sa gutom, mabilis ang hatol at kulong agad! Pero kapag bilyon-bilyon ang kinurakot ng mga trapo at oligarko, nagiging usad-pagong ang hustisya—kung may hustisya mang darating!
⏰ 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔!
Paulit-ulit na lang: may magreresign, maraming pulitikong mag-iingay, pero sa huli ay wala namang nananagot! Papalipasin lang ng ilang taon at sila-sila pa din ang nauupo sa pwesto at nananalo!
🏛️ 𝗦𝗜𝗦𝗧𝗘𝗠𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔!
Hindi ito 'isolated case' o simpleng kasakiman ng iilang indibidwal lamang. Hindi kaya ni Martin Romualdez, Zaldy Co, Brice Hernandez, Henry Alcantara, Chiz Escudero, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Curlee at Sarah Discaya, o kahit si Bongbong Marcos o sinumang mag-isa na nakawan ang kaban ng bayan. Ito ay bunga ng isang bulok na sistemang pinatatakbo ng mga trapo at oligarko! Tip of the iceberg pa lamang ang flood control sa DPWH. Laganap ang ganitong kalakaran sa buong burukrasya ng gobyerno ng trapo at oligarko!
🔥 𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗔𝗟𝗔𝗠!
Mga manggagawa at ordinaryong Pilipino: hindi ngayon ang panahon para manahimik! Isa itong oportunidad na ipamalas ang naglalagablab na galit ng taumbayan! Tayo ang nagpapasweldo sa mga trapong at opisyal ng gobyerno na ito at nagpapayaman sa mga kontraktor na kasabwat nila! Sa huli, tayo rin ang nagdurusa—kaya tayo rin ang dapat maningil.
✊ 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗨𝗠𝗜𝗟𝗢𝗦!
Tayo'y magkaisa at ituloy ang pag-iingay! Sama-sama tayong lumahok sa mga pagkilos at manawagang wakasan ang kultura ng korapsyon at ang sistemang pumapabor sa mga trapo at oligarko.
🚩𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧:
🔍 Imbestigahan, agarang suspindehin, at ipakulong ang mga sangkot sa flood control scandal, mapa-contractor, congressman, senador, o kahit presidente man!
⚖️ Bumuo ng People's Tribunal para palawakin ang imbestigasyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno at isama ang mga manggagawa't ordinaryong Pilipino sa pag-audit ng mga proyekto ng gobyerno!
✊ Magkaisa ang manggagawa't ordinaryong Pilipino laban sa katiwalian, hindi lang sa flood control kundi sa lahat ng korapsyon ng gobyerno ng mga trapo at oligarko!
🔥Tuloy ang laban! Hindi tayo titigil hangga’t walang tunay na pananagutan.
#TayoAngKamanggagawa
#LabanKamanggagawa
No comments:
Post a Comment